"Gusto Ko Nang Bumitaw" is a song about breaking free from an abusive relationship.
Matinding birit tungkol sa mapang-abusong relasyon
Ipapamalas muli ng Kapamilya diva na si Sheryn Regis ang galing niya sa pagbirit sa mapangahas niyang awitin na pinamagatang “
Gusto Ko Nang Bumitaw” na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes (Setyembre 24).
Tungkol ang bagong Star Music ballad sa paghihirap ng isang tao na umalis sa isang mapang-abusong relasyon at ang tuluyang paglayo niya sa taong minamahal.
“The song gives hope and courage to everyone who's been struggling and trying to escape an abusive relationship. There is still a chance to move away, to choose yourself and to begin again,” ani ng tinaguriang “Crystal Voice of Asia.”
Orihinal na isinulat ni Sheryn ang lyrics ng “Gusto Ko Nang Bumitaw” sa English, na kalaunan ay isinalin sa Tagalog katulong ang manager niya na si Michiko Unso. Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang nag-prodyus ng kanta at nagdagdag din ng lyrics dito.
Nito lang Marso ini-release ni Sheryn ang homecoming single niya na “Tulad ng Dati,” na nagsilbi ring ‘comeback’ niya sa showbiz matapos manirahan sa ibang bansa sa loob ng isang dekada. Ngayong Oktubre, nakatakda ring sumabak sa online concert si Sheryn na “Love United,” na mapapanood sa buong mundo via KTX.
Bibida rin ang Kapamilya singer sa episode ng “The Music Room” sa Oktubre 26 (Martes) na mapapanood nang eksklusibo sa YouTube channel ng One Music PH at Star Music.
Iwanan na ang toxic na relasyon at pakinggan ang “
Gusto Ko Nang Bumitaw” sa iba’t ibang digital music streaming services ngayong Biyernes (Setyembre 24). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).