Dagsa muli ang mga paborito ninyong best-of-the-best kantahan at sayawan, pati na ang mainit-init na sorpresa mula kay Gloc-9 ngayong Linggo (Hulyo 17) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Abangan ang matinding bars ng isa sa pinakamabilis na rapper sa bansa dahil lalarga na sa ASAP stage si Gloc-9 para sa kanyang 25-year celebration sa industriya ng OPM, kasama si Yeng Constantino.
Sunod-sunod naman ang best-of-the-best P-Pop pasabog ng SB19, BGYO, at BINI, at maki-throwback din sa techno hits kantahan at sayawan din sina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Kyla, Jason Dy, Janine Berdin, Sheena Belarmino, Elha Nympha, Jeremy G, iDolls, Janella Salvador, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Jameson Blake, Charlie Dizon, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Edward Barber, Enchong Dee, at ang buong "ASAP Natin 'To" family, kasama rin sina Janine Gutierrez, Robi Domingo, at Luis Manzano.
Maki-hataw muli sa K-Pop dance cover ng ASAP dance royalty na si Kim Chiu kasama ang G-Force, pati na sa nagbabagang trio performance nina Darren, AC Bonifacio, at Chie Filomeno.
Balikan din ang ilan sa inabangan ninyong trio kantahan, tampok ang senti jamming nina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Moira dela Torre; at ang divas-only biritan nina Zsa Zsa Padilla, Gigi de Lana, at Regine Velasquez.
Panooring muli ang mega musical performance nina Gary V., Ogie Alcasid, Jed Madela, Erik Santos, at ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta.
At abangan ang best-of-the-best ASAP comeback ni Piolo Pascual kasama sina with Gary V., Zsa Zsa, Erik, at Regine sa "The Greatest Showdown."
Tara at makisaya na sa bigating afternoon party ng longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.