The TNT All-Star Showdown was a huge treat to fans as they witnessed a four-hour show jam-packed with world-class performances.
Iba-ibang fan groups man ang dumagsa sa Araneta Coliseum noong Sabado (Hulyo 28) para suportahan ang kanilang paboritong “Tawag ng Tanghalan” singers, umuwi silang busog dahil sa siksik at sold-out na TNT All-Star Showdown – ang pinakamahaba at pinakasulit na musical showdown sa taong ito.
Todo-papuri nga ang libo-libong fans na dumumog sa naturang concert dahil bukod sa dami ng singers na nag-perform, sulit na sulit din daw ang kanilang bayad sa apat na oras na world-class entertainment at pagalingan sa biritan.
Pinabilib ng TNT Boys ang mga manonood na nagbigay ng standing ovation sa international big shot trio matapos ang kanilang kulitan, hiritan, at biritan, samantalang inangkin naman ni Janine Berdin ang entablado sa pag-awit niya ng mga luma at bagong hits at pinatunayang siya ang New Gem of OPM.
Ipinamalas naman ni Sam Mangubat ang kanyang versatility sa song-and-dance numbers bilang patikim sa paparating niyang solo concert, habang nagbigay naman ng inspirasyon si si Noven Belleza sa muli niyang pag-awit mula sa puso at pakikipagsabayan kay Karla Estrada.
Bukod sa Noven-Karla duet, naghandog rin ng surprise collaborations ang concert na pumatok sa concert-goers. Kabilang na rito ang pag-awit nina Froilan Canlas at ng BoybandPH ng “Pa'no Ba,” na isinulat ng TNT Songsmith at kasama naman sa pinakabagong album ng grupo. Nakikanta rin ang buong Araneta sa pagtatambal nina Eumee at Shanti Dope.
Sa social media, mababatid din ang saya ng mga tagahangang ibinahagi ang kanilang experience sa panonood ng TNT All-Star Showdown, at marami na rin ang naghihintay ng part two nito.
“May hangover ako sa TNT All-Star concert. Surreal ‘yung feeling! ‘Di ko mabilang kung ilang beses ako na-goosebumps, tapos every song sa bawat singer sobrang nakaka-enjoy, bawat performance dumadagundong venue. Ang saya!!!!!!” post ng Twitter user na si @abigap_.
Sabi naman ni @marlon_thegreat, “We definitely enjoyed the concert! Sulit na sulit ang bayad sa dami ng performances! Part 2 sooooon plssss! Kudos to @TNTVersions for bringing a good show!”
Tinawag naman ni @gatchaliandjay na “overflowing of Filipino talents” ang concert. Samantala, pinuri rin ni @smfamoy ang TNT Band at iba pang bumuo sa concert, “The live band that played last night at #TNTAllStarShowdown seriously needs a standing ovation!! As well as the ones in charge of the stage!!! They were incredible throughout the whole concert!!! The stage was so beautiful!!! Scratch that. The whole concert was beautiful.”
Lumitaw rin ang galing sa kanilang solo numbers at duets sina Marielle Montellano, Arabelle Dela Cruz, Froilan Canlas, Reggie Tortugo, Steven Paysu, Ato Arman, Anton Antenorcruz, at Eumee.
Tuloy-tuloy nga ang mga kaganapan para sa TNT artists dahil bago pa man ang concert, nagkaroon na ng digital release ang unang single ni Eumee na “Bratatat” at ni Janine na “Biyaya” sa ilalim ng kakatatag na TNT Records. Bukod pa sa kanila, nag-release din si Marielle ng single na “Talaga Ba” at si Sam ng “Clueless” sa ilalim ng Star Records.
Nagwagi rin si Noven kamakailan ng parangal na LSS Hit of the Year para sa “Tumahan Ka Na” sa MOR 101.9 Pinoy Music Awards kamakailan, habang ilang linggo namang numero uno sa chart ng naturang radio station ang “Pagka’t Nariyan Ka” ni Sam.
Mapapanood ang TNT All-Star Showdown, malapit na sa ABS-CBN. Abangan din ang announcement kung kailan maaaring makabili ng tickets para sa concert ni Sam na “I Am Sam.”
Para sa updates, bisitahin ang TNTV sa Facebook.com/tntversions, o sundan ang @tntversions sa Twitter at Instagram.