News Releases

English | Tagalog

Sam Mangubat, magpapasiklab sa unang solo concert sa Music Museum

September 06, 2018 AT 02:04 PM

Sam Mangubat poised to rock his first solo concert at Music Museum

“Tawag ng Tanghalan” alumnus Sam Mangubat is now set to conquer the stage and prove his talent as a performer in his first major solo concert.


Aangkinin ni Sam Mangubat ang entablado at ipapakita ang ibubuga bilang performing artist sa kanyang unang solo concert na “I Am Sam” na gaganapin sa Setyembre 15 sa Music Museum.

Matapos makilala sa angking talento mula sa pagko-cover ng mga awitin sa YouTube hanggang sa pagkanta sa “Tawag ng Tanghalan,” handa nang ipakita ni Samang kanyang superstar potential sa iba’t ibang sorpresang handog niya sa fans o “Angels” sa kanyang solo concert.

Makakasama niya bilang special guests ang kapwa “Tawag ng Tanghalan” finalist at Star Music artist na si Marielle Montellano at ang mga “TNT” hurado na sina Nyoy Volante at Yeng Constantino sa espesyal na performances. Mapapanood din sa concert sina Bryan Chong at ang grupong Cove ng TNT na kinabibilangan nina Sofronio Vasquez, Christian Bahaya, at JM Bales.

Bago hiranging runner-up sa unang season ng kumpetisyon, nakilala sis am sa Youtube bilang online sensation dahil sa kanyang song covers. Matapos naman nito, naging certified hit recording artist si Sam para sa kanyang unang single na “Pagka’t Nariyan Ka” na palaging naging number one sa record charts ng iba’t ibang radio stations.

Si Sam ang kasalukuyang host ng online show na "TNTV Now" at siya ring kauna-unahang artist mula sa “Tawag ng Tanghalan” na magkakaroon ng kanyang unangsolo concert.

Panoorin na ang “I Am Sam” at bumili na ng tickets na nagkakahalagang P3,500 para sa VIP center na may kasamang meet-and-greet session, P2,800 para sa VIP, at P1,500 para sa Gold.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang TNTV sa Facebook.com/tntversions, o sundan ang @tntversions sa Twitter at Instagram.