The NBA All-Star Weekend heads to Charlotte for all the festivities with all the league's brightest stars.
Muling magsasama-sama ang pinakamalalaking bituin ng NBA para sa taunang NBA All-Star Weekend na mapapanood ng LIVE mula sa Spectrum Center sa Charlotte, North Carolina sa Estados Unidos sa ABS-CBN sa Sabado (Pebrero 16), at sa S+A naman sa Linggo (Pebrero 17) at Lunes (Pebrero 18), na maaari ring mapanood ng SKYCable subscribers sa SKY on Demand.
Magsisimula ang All-Star Weekend sa Pebrero 16 sa “NBA SabaDos” ng 11 am para sa Mountain Dew Ice Rising Stars kung saan magpapasiklab ang mga natatanging rookie at sophomores ng liga. Mangunguna sa naturang laro sina Luka Doncic ng Dallas Mavericks at Donovan Mitchell ng Utah Jazz.
Sa Pebrero 17 naman gaganapin ang State Farm All-Star Saturday kung saan magtatagisan ang mga manlalaro sa Three-Point Contest, Taco Bell Skills Challenge, at Slam Dunk Contest, na mapapanood ng LIVE sa S+A simula 9 am. Ilan sa mga dapat abangan sina Stephen Curry ng Golden State Warriors at kapatid niyang si Seth Curry ng Portland Trail Blazers na sasali sa Three-Point Contest kasama ang alamat ng Mavericks na si Dirk Nowitzki at kakampi ni Steph sa Golden State na si Klay Thompson.
Mapapanood naman ang ika-68 na All-Star Game, na handog ng KIA, ng LIVE sa S+A sa Pebrero 18 ng 9 am. Muling nakapagtala ng pinakamaraming boto si LeBron James ng Los Angeles Lakers para sa West, kung saan sasamahan siya nina Stephen Curry at Kevin Durant ng Golden State, James Harden ng Houston, at Paul George ng Oklahoma City bilang starting five ng Team LeBron. Samantala, sa dako naman ng East, nanguna sa botohan si “Greek Freak” Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks para maging kapitan ng Team Giannis na kinabibilangan ni Joel Embiid ng Philadelphia, Kawhi Leonard ng Toronto, Kyrie Irving ng Boston, at Kemba Walker ng Charlotte. Iaanunsyo sa mga susunod na araw ang iba pang makakasali sa NBA All-Star Weekend.
Samantala, bago mangyari ang All-Star Weekend, mapapanood pa rin sa S+A ngayong Pebrero ang mga larong tiyak na tutukan ng lahat. Haharapin ng Los Angeles Lakers ang Golden State Warriors sa Linggo (Pebrero 3) ng 9:30 am habang maglalaro naman ang Oklahoma City Thunder at Boston Celtics sa Lunes (Pebrero 4) ng 8 am sa S+A. Bibisita naman ang Lakers sa kanilang karibal na Celtics sa Biyernes (Pebrero 8) ng LIVE sa S+A ng 9 am.
Sa Pebrero 9, tunghayan ang dalawa sa mga batang koponan na nagpapakitang-gilas ngayong taon sa “NBA SabaDos” sa bakbakang Denver Nuggets at Philadelphia 76ers ng 8:30 am sa ABS-CBN. Maglalaban naman sa Pebrero 10 ang OKC Thunder at Houston Rockets ng LIVE sa S+A ng 9:30 am habang maghaharap ang Warriors at Miami Heat sa Pebrero 11 sa S+A ng 9:30 am habang bibisita ang Charlotte Hornets sa Orlando Magic sa Pebrero 15 ng 8 am, bago umuwi para sa All-Star Break.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na mga pangyayari sa NBA. Panoorin ang 2019 NBA All-Star Weekend sa Charlotte, na handog ng ABS-CBN Sports sa mga basketball fan ng bansa. Tutok na sa Pebrero 16 ng 11 am para sa Mountain Dew Ice Rising Star Challenge sa “NBA SabaDos,” Pebrero 17 naman ng 9 am sa S+A para sa State Farm NBA All-Star Saturday, at sa Pebrero 18 ng 9 am sa S+A para sa ika-68 All-Star Game sa pagitan ng East at West. Mapapanood naman ng SKYCable subscribers ang buong NBA All-Star Weekend sa SKY on Demand (skyondemand.com.ph).
Para sa balita at karagdagang impormasyon, bumisita sa
sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang
www.abscbnpr.com.