Diskarte sa buhay ang puhunan ni Sheeny Natividad na nagtitinda ng fish ball kapag nasa eskwela ang kanyang dalawang anak para makatulong sa mister na security guard. Nangarap rin siyang magkaroon ng sariling bahay kung kaya’t sumali sa ABS-CBN TVplus promo.
Kamakailan lang, natapos na ang kanyang pangangarap dahil siya ang kinilala bilang second winner ng Lumina house and lot ng “Masaganang Pa-Thank You Promo Year 2” ng ABS-CBN TVplus.
Ayon kay Sheeny, hindi siya agad nani
nwala nang matanggap ang tawag na mula sa kinatawan ng ABS-CBN TVplus, pero naniwala rin siya nang marami na ang bumati sa kanya dahil sa patalastas sa TV at announcement sa TVplus Facebook page.
Mangiyakngiyak si Sheeny na naglahad na nagsisiksikan sila sa bahay ng kanyang biyenan, pero dahil sa bagong biyaya, magiging maginhawa na ang buhay ng kanyang pamilya.
Tulad ni Sheeny, may pag-asa pa ang ibang TVplus users na magkaroon ng bagong house and lot. Para sumali sa promo, i-text ang JOIN <TVplus box ID>/<complete name>/<complete address> at i-send sa 2366 (open to all mobile networks). Isang beses lamang pwedeng i-rehistro ang TVplus box ID o hanggang tatlong TVplus box ID ang maaring i-rehistro sa isang SIM. Magaganap ang huling raffle draw sa July 1, 2019. Bukas ang promo sa lahat ng TVplus box users (new or existing).
Bukod dito, patuloy na namimigay ang ABS-CBN TVplus ng 1,200 MyPhone MyA11 units, 120 Panasonic 32” LED Television, 90 Boardwalk Negosyo Kit worth P4,000 each, 72 Octagon Gadget Gift Certificates worth P5,000 each, at 15 ABS-CBN TVplus box na may kalakip na 1-year free access to KBO.
Una ang ABS-CBN, na patuloy ang pagbabago para maging isang digital company, na media at entertainment company sa bansa na nag-broadcast ng digital terrestrial television (DTT) gamit ang ABS-CBN TVplus para mabago ang panonood ng TV ng maraming Pilipino.
Kabilang sa signal coverage areas ng ABS-CBN TVplus ang Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, at Batangas.