Talk show debuts on TFC on May 14 in Asia Pacific, Europe, and Middle East
Isa sa mga pangunahing aral na ipinamalas ng pandemya ng COVID-19 sa mga pamilya sa buong mundo ay ang pangangailangan ng pangmatagalang pinansiyal na seguridad.
Napakalaki ng epekto ng katotohanang ito para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), lalo na nang mahigit 1.7 milyon sa kanila ang na-repatriate mula nang magsimula ang pandemya, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sa hangarin na matulungan ang mga OFW na makamit ang pinansiyal na kaalaman kapag bumalik na sila para manatili sa Pilipinas, ang Sun Life Philippines (Sun Life), isang nangungunang internasyonal na organisasyon ng mga serbisyo pinansiyal, at ang TFC, ang pangunahing internasyonal na multiplatform media brand ng ABS-CBN, ay naglunsad kamakailan ng "Shine On, Overseas Pinoy," isang talk show na nagbibigay ng kaukulang pinansiyal na edukasyon sa mga OFW at kanilang mga pamilya upang kanilang makamit ang matatag na kalagayang pinansiyal.
Ang premyadong aktres at TV host na si Charo Santos, na isang Sun Life brand ambassador, ang magho-host ng "Shine On, Overseas Pinoy." Ang programa ay mapapanood simula Mayo 14, 2022, sa TFC sa Asia, Europe, at Middle East. Bagong episode ang mapapanood sa TFC tuwing Sabado at Linggo.
Tampok sa bawat episode si Santos kasama ang isang guest na OFW at isang expert financial advisor na tatalakay sa mga totoong buhay na financial concerns ng OFW, at kung ano ang mga posibleng solusyon dito. Ang bawat episode ng programa ay may mga kaugnay na paksa tulad ng mga alternatibong sources ng income, proteksyon sa kalusugan ng OFW at kanilang mga pamilya, insurance, edukasyon at pagpaplano sa pagreretiro, pagpaplano ng mga ari-arian, pagbubuo ng emergency fund, at pagsisimula ng negosyo, bukod sa iba pa.
"Sa mahigit 10 milyong overseas Filipinos sa buong mundo na nag-aambag ng abot sampung porsiyento ng GDP ng bansa, hindi maipagkakailang sila ay isa sa pinaka-importanteng sektor sa ating bansa," sabi ni Alex Narciso, presidente ng Sun Life of Canada (Philippines) Inc. "Nakatuon ang Sun Life na tulungan silang magplano nang mabuti para sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas, para naman makakaasa sila sa isang komportableng pagreretiro. Ang 'Shine On, Overseas Pinoy' ay isang matatag na hakbang patungo sa direksyong iyon."
Para kay Santos, pumayag siyang maging host ng "Shine on, Overseas Pinoy" dahil "nakita ko ang halaga ng pamamahagi ng kaalaman sa ating mga kababayan tungkol sa financial management. Marami sa kanila ang natatakot kung ano ang gagawin nila sa kanilang sahod o naipon dahil nga kulang o wala silang kaalaman tungkol dito. Yun ang pangangailangan na pinagtuunuan ng pansin ng programang ito. Pangako namin na marami kayong mahalaga at praktikal na financial advice na mapupulot. Kami sa ABS-CBN ay lubos na nagagalak sa aming partnership na ito with Sun Life."
Para sa mga OFWs na nais magkaroon ng karagdagang impormasyon tungkol sa "Shine On, Overseas Pinoy", o nais subukan ang kahit ano sa mga Sun Life insurance and investment products bago umalis ng Pilipinas para mag-trabaho abroad, o habang nagbabakasyon sa Pilipinas, o kapag bumalik na sila sa Pilipinas, mangyaring pumunta lamang po sila sa www.sunlife.co/shinepinoy .
###
MEDIA CONTACT:
Pia Lopezbanos-Carrion
ABS-CBN International/TFC
Corporate Affairs & PR
pia_lopezbanos@abs-cbn.com
www.myTFC.com