Higit na paiinitin ng Star Magic ang tag-araw sa Amerika sa paghatid ng mga malalaking Pinoy performers sa NY, SF at LA ngayong Agosto June 09, 2022 AT 07:20 AM SHARE TWEET LOS ANGELES, CA, ika-8, 2022 - Ipinagdiriwang ng Star Magic, ang nangungunang talent management agency ng Pilipinas, ang ika-30 anibersaryo nito sa engrandeng selebrasyon sa pamamagitan ng pagdadala ng ilan sa mga pinakamahuhusay na mga bituin ng henerasyong ito sa U.S. ngayong Agosto para sa mga kapana-panabik na pagtatanghal. Sa inaasahang back-to-back blockbuster na mga kaganapan ngayong tag-init, dadalhin ng Star Magic sa East Coast at sa West Coast ng U.S. ang "Beyond the Stars" - tatlong gabi ng kapana-panabik na mga shows na kinabibilangan ng power-packed line-up na ito: Zanjoe Marudo; Belle Mariano; Donny Pangilinan; Andrea Brillantes; Gigi De Lana; AC Bonifacio; Kyle Echarri; Angela Ken; Sab; Lian Kyla; Janine Berdin; Eric Nicolas; Maymay Entrata; Edward Barbers; Alexa Ilacad; KD Estrada; Maris Racal; Charlie Dizon; Carlo Aquino; at Kim Chiu. Magpe-perform ang cast sa Agosto 6 sa makasaysayang Kings Theater sa Brooklyn, New York - isa sa mga pinakamagandang teatro sa buong U.S. Ang venue ay tunay namang napakagarbong lugar kung saan madalas nagaganap ang mga state-of-the-art na live na mga pagtatanghal na siyang muling nagpapasigla sa art scene ng Brooklyn. Pagkatapos ay lilipad ang cast para sa mga pagtatanghal sa California, simula sa Agosto 12 sa The Warfield sa San Francisco, isang kilalang institusyon ng mahigit 86 na taon na ngayon ay pinamamahalaan ng Goldenvoice, na siya ring lumikha ng mga Coachella at Stagecoach festivals. Susundan ito ng isa pang palabas sa Agosto 14 sa Saban Theater sa Beverly Hills, Los Angeles -- isang classic landmark ng kultura at arkitektura sa L.A. na nananatiling isa sa mga pinakasikat na lugar sa marangyang Beverly Hills. Sa loob ng tatlong dekada, nagsilbing tahanan at training ground ang Star Magic sa pinakamalalaki at pinakamatingkad na pangalan sa Philippine entertainment. Nagbigay ito ng mga workshop sa pag-arte, sayaw, sining, script appreciation, pag-istilo, at voice production, gayundin ng pagsasanay sa physical fitness para mahubog ang well-rounded at mga world-class na performer na may disiplina at wastong etika sa trabaho. Hinihikayat din ang mga artista ng Star Magic na gamitin ang kanilang impluwensya para sa kabutihan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga advocacies tulad ng sa ABS-CBN Foundation. Sa paglabas ng mundo mula sa pandemya, nananatiling nakatuon ang Star Magic na maging global, hindi lamang sa pamamagitan ng pagpapalawak ng content production, kundi sa pamamagitan ng pag-champion sa talentong Pilipino sa buong mundo. Ang lahat ng shows ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Star Magic sa iWantTFC at TFC. Ang "Beyond the Stars" ay co-presented ng World Remit kasama ang Tancinco Law bilang pangunahing sponsor. Mabibili na ang mga tiket sa mytfc.com/StarMagic30
iWantTFC brings all the riveting drama from 'Pamilya Sagrado' and 'High Street' 48 hours in advance before TV broadcast iWantTFC