News Releases

English | Tagalog

Noli at 'fancy chickens', magtatagpo sa "KBYN: Kaagapay ng Bayan"

August 12, 2022 AT 03:24 PM

Tindero na may sakit na polio, reregaluhan ni Kabayan ngayong linggo 


Alam mo ba na may manok na mayabang at tumatawa?  

Ipapakita sa atin ni Noli de Castro ang mga pambihira at mamahaling breed ng manok na ito sa Nueva Ecija ngayong Linggo (Agosto 14) sa "KBYN: Kaagapay ng Bayan.” 

Ang fancy chicken, tulad ng Malaysian Serama and Ayam Ketawa, ay isinasama sa mga eksibisyon at kompetisyon. Hindi ito katulad ng mga tipikal na panabong dahil ang laban ng manok na ito ay payabangan at pahabaan ng tawa.

Samantala, bibisitahin ni Kabayan ang tindero ng pinya na si Marcial Padilla mula sa Taytay, Rizal na may sakit na polio. Dahil sa kanyang iniinda, nagpepedal siya ng kanyang bisikletang panglako gamit ang kanyang mga kamay. Dahil sa kanyang kahanga-hangang determinasyon, nag-abot ng munting regalo ang KBYN team sa kanya.

Dinayo rin ng KBYN ang Kabayan, Benguet kung saan nasa walongpung porsyento ang mga magsasaka. Inalam ng grupo ang iba’t ibang problema na kanilang kinakaharap gaya ng mga nabubulok nilang mga pananim. Nakilala rin nila ang mag-asawang Ace at Andie Estrada ng Rural Rising Philippines, na tumulong sa mga magsasaka sa iba’t ibang panig ng bansa na maibenta ang kanilang mga produkto simula noong magkaroon ng pandemya.  

Huwag palampasin ang mga kahanga-hangang kwentong ito sa KBYN: Kaagapay ng Bayan ngayong Linggo, Agosto 14, alas-5 ng hapon sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at news.abs-cbn.com/live.