Kasama ang Dalandan Shake, Pamela, Totoy Bibbo, atbp.
Binigyang buhay ng "Isip Bata" kiddie panel ng "It's Showtime" na sina Imogen Cantong, Argus Aspiras, Princess Kathryn "Kulot" Caponpon, Jaze Capili, at Lucas Landicho ang iba't ibang tumatak na pambatang awitin.
Mula sa viral success ng "
Da Da Da" at "
Mini Ms. U," ngayon naman inilunsad ni Imogen ang sariling niyang bersyon ng "
Dalandan Shake" na unang pinasikat ni Vhong Navarro at Makisig Morales habang binigyang buhay rin ni Argus ang isa pang awitin ni Vhong na "
Totoy Bibbo" na parehong isinulat at iprinodyus ni Christian Martinez.
Panibagong twist naman ang handog ni Kulot sa kanyang bersyon ng "
Clap Clap Clap" ni Awra Briguela na isinulat nina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Star Pop label head Roque "Rox" Santos.
Samantala, nakakaindak na tinig ang ibinida ni Jaze sa kanyang rendition ng Vhong Navarro hit na "
Pamela" habang pagbibilang naman ang itinampok ni Lucas sa kanyang unang awitin na "
Learn the 1-2-3" na isinulat nina Jonathan, Rox, at Annabelle Regalado-Borja.
Kabilang ang mga awiting ito sa "Isip Bata: The Album" na may 11 kanta. Nakatakda namang ilabas ang "Ang Kulit," "Chicken Dance," Mag-exercise Tayo," "Sayaw ni Vhong," "Step 1,2,3," at "The Teacher and the Pupils."
Pakinggan ang nakakaaliw na tinig nina Imogen, Argus, Kulot, Jaze, at Lucas sa ABS-CBN Music YouTube channel at sa iba't ibang music platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
Tiktok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
Tiktok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.