
Agaran ang serbisyo ng Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo sa mga sinalanta ng bagyong Carina, hatid ang relief efforts sa mga siyudad sa Metro Manila na lubhang naapektuhan ng kalamidad.
Sa kasagsagan ng malalakas na pag-ulan at pag-baha, agad na nagpadala ng response at relief operations team ang Radyo 630, handog ang pakain sa 1,500 indibidwal sa Manila Districts 1 at 3, pati 78 kilong gulay sa mga naapektuhang residente sa Barangay Tumana, Marikina City. Namahagi rin ng tulong ang Radyo 630 sa mahigit kumulang 1,600 na evacuee mula Barangay Bagong Silang, Quezon City, at Barangays 159, 164, at 169 sa Caloocan.
Bukod sa response at relief efforts nito, tuloy-tuloy rin ang pagbabalita ng Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo—hatid ang live updates sa bagyong Carina at ulang habagat, mapa-radyo man, TV, o online.
Samantala, nang makalipas ang bagyo ay pinagtipon ng Radyo 630 ang higit 400 na katao para sa "Puntahan ng Bayan: Para sa Kalusugan" noong July 31 sa Tondo, Manila—sa layunin nitong palaganapin ang healthy lifestyle sa pamilyang Pilipino bilang pagdiriwang sa Nutrition Month. Kasama ang Radyo 630 anchors na sina DJ Jhai Ho at Dr. Dennis Ngo, nakisaya ang madla sa masasaya nitong aktibidad at informative talks patungkol sa nutrisyon at kalinisan ng pamilya.
Patuloy na mapapakinggan ang Radyo 630 sa AM radio via 630 kHZ frequency, o sa TV sa pamamagitan ng Teleradyo Serbisyo. Bumisita rin sa Facebook at YouTube pages nito para masubaybayan ang Radyo 630/Teleradyo Serbisyo online.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.