News Releases

English | Tagalog

Ultimate Star ng GMA na si Jennylyn Mercado, inilunsad na ang pinakahihintay na comeback EP

May 28, 2025 AT 05:08 PM

Key track na “Paulit-ulit Kang Pipiliin, sinulat ng multi-awarded Kapuso act 
 
Inilabas na ng Ultimate Star ng GMA Network si Jennylyn Mercado ang pinaka-inaabangang comeback EP niya at kauna-unahang handog mula sa Star Music na tinawag na “JEN,” na nagtatampok sa iba’t ibang yugto ng pag-ibig sa anim na kanta. 
 
Naglalaman ng apat na bagong tracks na “Paulit-Ulit Kang Pipiliin,” “Sa Gitna,” “Hihintayin Kita,” at “Kung Nandito Ka Pa” ang all-Filipino mini-album. Kasama rin dito ang nauna na niyang inilunsad na mga kanta na “Ayaw Pang Umuwi” at “Hindi Pa Rin Sapat.”
 
Naging hands-on ang multi-awarded Kapuso actress at platinum album-selling artist sa paggawa ng kanyang Kapamilya music project at siya pa mismo ang sumulat ng key track nito na “Paulit-Ulit Kang Pipiliin” katulong si ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo na siyang nagsilbi bilang overall producer. 
 
Tungkol ang “Paulit-ulit Kang Pipiliin” sa desisyon na piliin pa rin ang taong minamahal sa kabila ng anumang pagsubok na pinagdadaanan ng kanilang relasyon. 
 
Huwag palampasin ang music comeback ng Ultimate Kapuso, pakinggan ang “JEN” EP sa iba’t ibang music streaming platforms (https://orcd.co/jen-jennylynmercado). Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa FacebookX (Twtter)InstagramTikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE