News Releases

English | Tagalog

Kice, nangako na magiging "Tayo" sa bagong awitin

July 19, 2025 AT 12:38 AM

Orihinal na komposisyon ng dating “Idol PH” contestant

Nagbabalik-musika ang “Idol Philippines” season 2 alumnus na si Kice hatid ang bagong love anthem na “Tayo” na para sa mga nagmamahal mula sa malayo.

“I think maraming makakarelate, ‘yung mga nagmahal nang tahimik, naghintay, o ‘di kaya’y piniling manahimik kasi yun lang ang kaya. Sometimes, we don’t get the chance to say what we feel, so we carry it, in silence, in songs, in moments we replay in our heads. ‘Tayo’ is for anyone who’s ever loved someone deeply but from a distance,” saad niya.

Si Kice mismo ang sumulat ng romantic OPM track habang iprinodyus ito nina StarPop label head Roque “Rox” Santos at Gab Tagadtad. Bilang songwriter, malaking bagay para sa Kapamilya artist ang pagiging totoo at tapat upang maipahayag ang damdamin ng awitin.

“My songwriting is rooted in honesty. I write the way I feel–raw, quiet sometimes, but always real. I just want people to feel seen, especially those who love in silence or carry emotions they can’t always explain,” aniya.

Unang nakilala si Kice nang maging third placer siya sa ikalawang season ng “Idol PH.” Noong 2023, inilabas niya ang mga awitin na “Lose Control” at “Only Girl.” Inawit niya rin ang “Dirty Linen” soundtrack na “Simulan.” Inilunsad naman niya ang love song na “Can’t Get You Out Of My Head” noong nakaraang taon.

Bukod sa musika, pinasok niya rin ang pag-arte at naging bahagi ng ABS-CBN series na “Linlang.” Kasalukuyang napapanood siya sa Sunday variety show na “ASAP.”

Kiligin sa “Tayo” ni Kice na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE