News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, humakot ng tropeo sa ika-50 na Guillermo Mendoza Box Office Awards

April 08, 2019 AT 02 : 09 PM

ABS-CBN triumphed at the 50th Guillermo Mendoza Box Office Awards, earning recognitions for its films, programs, artists, and personalities in more than half of the total awards categories.

“The Hows of Us,” “Fantastica,” “Halik,” nagwagi

 
Nagwagi ang ABS-CBN sa ika-50 na Guillermo Mendoza Box Office Awards kamakailan lang, kung saan nakuha nito ang mahigit sa kalahati ng mga tropeo para sa mga pelikula, programa, artista, at tagapaglahad nito.
 
Nanguna sa mga pinarangalan ang box office hit na “The Hows of Us” (THOU), na umani ng Golden Jury Award for Highest Grossing Film of All Time. Itinanghal rin na Phenomenal Stars of Philippine Cinema ang mga bida nitong sina Daniel Padilla at Kathryn Padilla, at ang direktor nitong si Cathy Garcia-Molina bilang Most Popular Director. Nanalo rin si Cathy at ang THOU screenwriters na sina Carmi Raymundo, Crsytal San Miguel, at Gillian Ebreo bilang Most Popular Screenwriters. Samantala, Most Popular Film Producer naman ang Star Cinema para sa pelikulang ito.
 
Umani rin ng Phenomenal Star of Philippine Cinema Award ang mga bida ng “Fantastica” na sina Vice Ganda, Dingdong Dantes, at Richard Gutierrez.
 
Samantala, itinanghal na Film Actress of the Year si Kim Chiu habang ang mga bida ng “Dalawang Mrs. Reyes” na sina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban ang itinuring na Comedy Actress of the Year for Movies. Si JC De Vera naman ang nanalong Movie Supporting Actor of the Year.
 
Pinarangalan ang “Halik” stars na sina Jericho Rosales at Yam Conception bilang TV Actor and Actress of the Year (Primetime Drama), habang ang buong cast nito ang nanalong Best Acting Ensemble in a Drama Series.
 
Nanalong Comedy Actor for Television si Piolo Pascial habang sina Matteo Guidicelli at Yassi Pressman ang nag-uwi ng tropeong TV Supporting Actor at Actress.
 
Si Joshua Garcia at Julia Barretto naman ang itinanghal na Prince and Princess of Philippine Movies and Television.
 
Parehong Most Popular Loveteam for Movies sina James Reid at Nadine Lustre at Maymay Entrata at Edward Barber, habang sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang itinuring na Most Popular Loveteam for Television.
 
Ginawaran ng tropeong Most Promising Male and Female Stars for Movies sina Donny Pangilinan at Kisses Delavin, at Most Promising Male Star for Television si Jameson Blake.
 
Samantala, sa kategoryang programa sa TV, panalo ang “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang Popular TV Program habang ang “I Can See Your Voice” ang nagwagi bilang Popular TV Program (Talent Search/Reality/Talk/Gameshow). Umani naman ng tropeong Male and Female TV Host of the Year ang Kapamilya hosts na sina Luis Manzano at Toni Gonzaga.
 
Nanguna sa mga special awardee ang beteranong aktor na si Eddie Garcia, na huling napanood sa “FPJ’s Ang Probinsyano.” Ginawaran siya ng Golden Jury Award for All Time Favorite Actor, habang ang “It’s Showtime” host na si Anne Curtis ay ginawaran ng Golden Jury Award for Excellence as Millennial Entertainer.
 
Umani rin Public Service Award ang mga DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo anchor na sina Anthony Taberna at Gerry Baja para sa “Dos por Dos.”
 
Sa kategoryang musika, ginawaran ng tropeong Male Concert Performance of the Year si Ogie Alcasid at Female Concert Performance of the Year ang bagong Kapamilya na si Regine Velasquez. Female Recording Artist of the Year si Moira Dela Torre, habang sina Alex Gonzaga at JK Labajo ang nanalong Promising Female and Male Recording Artist of the year.
 
Itinuring na Promising Male Concert Performers of the Year ang international singing sensation na TNT Boys habang si Xia Vigor ang umani ng trpeong Most Popular Female Child Performer.
 
Simula higit-50 years na nakaraan, kinikilala at pinaparangalan ng Guillermo Mendoza Box Office Awards ang galing ng mga aktor, aktres, personalidad, pelikula, at programa sa Pilpinas.