News Releases

English | Tagalog

"PBB Otso" Batch 3, handa na sa hamon ng buhay sa labas ng bahay ni Kuya

May 31, 2019 AT 08 : 03 PM

Gamit ang mga natutunan nila mula sa loob ng “PBB Otso” house, handa na ang Batch 3 Teen Big 4 at former teen housemates sa mga hamon ng buhay na kanilang haharapin sa paglabas nila sa outside world.
 
Pinatunayan nga ng “Team TBAY” na sina Tan Roncal, Batit Espiritu, Ashley Del Mundo, at Yen Quirante na sila ang karapatdapat sa pinag-aagawang puwesto matapos nilang mapagtagumpayan ang bawa’t pagsubok ni Kuya at umani ng matinding suporta mula sa mga manonood.
 
Si Batit ang unang idineklarang parte ng Big 4 matapos niyang ipakita ang determinasyon sa Big Jump Challenge. Kinilala rin siya bilang isa sa mga kuya sa bahay at kinabiliban dahil sa kanyang abilidad na mamuno sa bawa’t task na kanilang hinaharap.
 
“Magugulat ka na lang na magagawa mo ang isang bagay na ‘di mo kayang gawin. Ang susi sa (tagumpay) sa loob ng bahay ay magpakatotoo, makisama, at syempre ‘yung tiyaga mo dapat nandoon. Kung hindi ka matiyaga, susuko ka agad,” sabi ni Batit sa mga aral na nakuha niya sa “PBB” house.
 
Mainit namang sinubaybayan si Ashley ng mga tagahanga dahil sa kanyang pagpapakatotoo, lalo na pagdating sa nararamdaman niya sa kanyang mga kapwa housemates.
 
“It’s such an amazing and extraordinary experience. It really brings out the side of you that you’ve never seen before. You’ll discover a part of yourself. Your hidden talents come out,” sabi naman ni Ashley tungkol sa karanasan niya sa loob ng bahay.
 
Isa naman sa nagdala ng saya sa bahay si Yen na hinangaan dahil sa kanyang pagiging simple at pagkakaroon ng busilak na puso na susi para maging kaibigan siya ng lahat ng housemates. Lubos din ang pasasalamat niya kay Kuya sa lahat ng aral na natutunan niya bilang housemate.
 
“Si Kuya naman po, strikto siya minsan. Kapag hindi tama ginagawa mo, pagsasabihan ka niya kasi gusto niya lang itama ‘yung nagawa mong mali. Magaling din po siyang mag-advice. Napapaiyak po ako sa mga sinasabi niya,” pagbabahagi ni Yen.
 
Tumatak naman si Tan dahil sa kanyang pagiging positibo at nakatutuwang mga biro na pumukaw sa puso ng mga tagahanga.
 
Marami rin daw siyang natutunan sa kanyang sarili sa pamamalagi niya sa “PBB” house, “Noong nasa labas pa ako ng bahay, talagang mahiyain ako. Pero noong pumasok na ako, nag-gain ako ng confidence. Sobrang mabait si Kuya. Ang sarap din niyang kausap. Nakaka-inspire.”
 
Gaya ng Big 4, patuloy din ang paglaban para sa pangarap ng Batch 3 teen housemates na sina Angela Tungol, Lance Carr, Mich Wunder, Shoichi Oka, Sheena Catacutan, Alfred Beruzil, Kyzha Villalino, Shami Baltazar, Jem Macatuno, Gwen Apuli, Emjay Savilla, at Narcy Esguerra sa muling pagtapak nila sa outside world bitbit ang mga karanasan sa loob ng bahay.
 
Samantala, marami pa ngang aabangan sa “PBB Otso” sa pagpasok ng Batch 4 Adult Housemates sa loob ng bahay ni Kuya. Sino kaya sa kanila ang susunod sa yapak nina Batit, Ashley, Yen, at Tan?
 
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.