News Releases

English | Tagalog

BMPM, inilunsad ang 'Digitales' Mobile Documentary Contest para sa college students

September 13, 2019 AT 05 : 52 PM

Launched this month, “BMPM Digitales” invites college students aged 18 to 22 to produce a 3-5 minute documentary, using only their mobile phone for shooting and editing, about the theme “Gusto Ko Tama: Fighting Disinformation in Social Media.”

Mga kabataan, hinamong labanan ang fake news!

Maaaring gamitin ng mga kabataan ang kanilang mobile phone para labanan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media. Ito ang sigaw ng “Bayan Mo, iPatrol Mo” ng ABS-CBN sa kanilang paglunsad sa “BMPM Digitales: A Mobile Documentary Contest” ngayong buwan.

Hinihimok ng “BMPM Digitales” ang mga estudayante sa kolehiyo, na may edad 18 hanggang 22, na gumawa ng dokumentaryo tungkol sa temang “Gusto Ko Tama: Fighting Disinformation in Social Media” gamit lamang ang kanilang mga smartphone.

Ayon kay BMPM head Rowena Paraan, layunin ng proyektong ito na ipalaganap sa kabataan ang responsableng paggamit ng social media at turuan silang kumilatis ng balita at impormasyon upang malaman kung tunay o peke ito.

Maikli lamang ang dokyu na kailangan nilang gawin na may habang tatlo hanggang limang minuto. May premyo at tropeong naghihintay sa mananalo tulad ng P50,000 para sa 1st place, P20,000 sa pumapangalawa, at P10,000 sa ikatlong pinakamagaling na entry.

Para sa buong mechanics, maaaring pumunta ang mga interesadong sumali sa https://bmpmdigitales.abs-cbn.com, kung saan din sila magrerehistro at magsusumite ng kanilang mobile dokyu. Sa Setyembre 20, 2019 na ang huling araw ng pagpasa.

Isa sa mga nangeenganyo sa mga kabataang sumali sa “BMPM Digitales” ang batikang mamamahayag at dokumentaristang si Jeff Canoy, na kamakailan lang ay gumawa ng dokumentaryo para sa programang “#NoFilter” na gamit lang ang kanyang cellphone sa pagkuha at pag-edit nito.

Sabi pa niya sa kanyang Twitter account, “Uy sali na guys! Masarap magmahal at mahalin ang proseso ng pag-dokyu”.

Ang BMPM ang citizen journalism arm ng ABS-CBN News, na 12 taon nang nagbibigay lakas sa mga mamamayan na maging parte ng pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang ulat tungkol sa kalagayan o anomalya sa kanilang lugar gamit ang kanilang cellphone o gadget, upang makarating ito sa kinauukulan at maaksyunan agad. Bukod sa citizen journalism, aktibo rin ang BMPM sa pagsasagawa ng mga seminar tungkol sa media literacy sa mga paaralan at komunidad sa buong bansa.

Para sa balita sa “BMPM Digitales: A Mobile Documentary Contest,” i-follow ang @BayanMo sa Twitter, @bayanmoipatrolmo sa Facebook at Instagram, o pumunta sa https://bmpmdigitales.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE