"The Voice Teens" will resume its blind auditions this weekend!
Matapos ang tatlong buwan na paghihintay, muli nang mapapanood ng mga Pilipino ang tagisan ng boses at pangarap sa ikalawang season ng “The Voice Teens” sa Kapamilya Channel simula ngayong weekend (Hunyo 13 at 14).
Magpapatuloy ang Blind Auditions kasama ang mga coach na sina Apl.de.ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga, na mayroon nang tig-13, 11, 12, at 11 teen artists sa kani-kanilang teams. Bago tutuloy sa susunod na round, kailangan ng 16 artists ang bawat coach.
Para naman mabalikan ang mga naganap sa reality-singing competition, inilunsad ng The Voice PH ang online show na “The Voice Teens Stay at Home, Sing at Home” sa OKS (oks.abs-cbn.com). Tampok dito ang 47 teen artists na nakapasa na ng Blind Auditions, ang kamustahan nila sa coaches nila sa pamamagitan ng Zoom, at pagbibigay nila ng updates sa buhay nila habang may quarantine. Mapapanood din dito ang espesyal na performances performance gamit ang isang kanta na kanilang pinili.
Magpapatuloy naman ang paglalabas ng episodes ng “The Voice Teens Stay at Home, Sing at Home,” tuwing Huwebes at Biyernes simula Hunyo 11 at 12.
Sa mga susunod naman na episodes ng “The Voice Teens,” mapapanood na ang kapanapanabik na pagtatapos ng Blind Auditions, kung saan pwede pa ring i-‘block’ ng coaches ang isa’t isa sa pag-aagawan ng auditionees.
Pagkatapos mabuo ng coaches ang kani-kanilang teams, maiinit na tapatan ng mga boses ang dapat na abangan sa Battle Rounds, kung saan maglalabanan ang dalawang artists kada team. Mas exciting din ang round na ito dahil may kapangyarihan ding agawin o i-‘steal’ ng coaches ang isang natalong member mula sa ibang team.
Siyam na teen artists kada team naman ang makakausad sa Knockout Rounds, kung saan hahatiin sila sa tatlo at muling magbabakbakan sa bosesan. Tatlong miyembro kada team o ang top 12 teen artists ng bagong season naman ang magpapakitang gilas sa Live Shows.
Mapapanood ang “The Voice Teens” sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat channel channel 2, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) sa buong bansa). I-check naman ang mysky.com.ph at kontakin ang cable operator para sa malaman ang channel assignment sa ibang lugar.
Bagama’t ngayon ay hindi lahat ang makakapanood ng Kapamilya Channel, unti-unting maghahanap ng paraan ang ABS-CBN para maihatid ang mga programa sa higit pang nakararaming nagmamahal at nasasabik sa mga paborito nilang palabas mula sa ABS-CBN.
Huwag palampasin ang “The Voice Teens” tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel (SkyCable ch 8 SD and 167 HD, Cablelink ch 8, at G Sat ch 2). Para sa updates, i-like ang facebook.com/TheVoiceTeensABSCBN, sundan ang @thevoiceteensph sa Twitter, at mag-subscribe sa The Voice Teens Philippines channel sa YouTube.