Leading Philippine media and entertainment company ABS-CBN and global streaming service iQiyi are joining forces to bring the stories and talent of Filipinos to the global stage. The two content giants announced today (November 23) their first major partnership for the production of original shows for iQiyi’s subscribers worldwide.
Opisyal nang inanunsyo ng global streaming service na iQiyi at ABS-CBN ang kanilang pagsasanib-pwersa sa paggawa ng apat na orihinal na romantic series para sa subscribers ng iQiyi sa buong mundo.
Layunin ng dalawang kumpanya na maghatid ng de-kalidad na palabas na may dalang inspirasyon at bibida sa husay at kwento ng mga Pilipino sa ibayong dagat. Sa tulong ng galing ng ABS-CBN sa content production at talento ng mga artista nito, mas palalakasin pa ng ugnayang ito ang lumalawak na content ng iQiyi mula sa Japan, South Korea, Greater China, Thailand, Singapore, at Malaysia na available sa 191 teritoryo.
Nanguna sa naganap na pirmahan ngayong araw (Nobyembre 23) sina ABS-CBN chief operating officer of broacast Cory Vidanes at iQiyi Philippines country manager Sherwin Dela Cruz, kasama sina Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal at iQiyi Philippines marketing supervisor Andrea Reyes.
Ilulunsad sa pamamagitan ng partnership na ito ang Filipino originals na isi-stream ng eksklusibo sa iQiyi app at
www.iQ.com. Kabilang sa kanilang mga gagawing serye ang “Saying Goodbye” na pagbibidahan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, kasama sina Andi Abaya, at Kobie Brown, habang sina Gerald Anderson at Gigi De Lana ang mangunguna sa “Hello, Heart.”
Ipinasilip na rin sa media conference ang teaser trailer ng “Lyric and Beat” na darating na sa 2022. Isa itong romantic musical series kasama sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Darren Espanto, at AC Bonifacio.
Magsisimula na sa Disyembre 4, 8 PM ang “Saying Goodbye” ng #SethDrea. Gagampanan nila sina Elise at Ricky, na magku-krus ng landas sa isang lumang record store kung saan pag-aagawan nila ang album ng kanilang parehong paboritong artist. Isang matibay na pagkakaibigan ang magbubunga rito kung saan magkasama nilang tutuparin ang mga pangarap ni Ricky, na mayroong sakit sa puso mula pagkabata. Kasama rin nila rito ang bagong loveteam nina Andi Abaya at Kobie Brown.
Dapat naman abangan ng K-drama fans ang “Hello, Heart,” na ipapalabas na simula Disyembre 15, 8 PM. Bida sa romantic comedy na ito sina Gigi at Gerald bilang Heart at Saul. Susundan nito ang istorya ni Heart, isang maganda at masipag na babae na tila walang swerte sa buhay. Magbabago ang kanyang kapalaran nang makilala ang walang emosyong negosyante na si Saul, na babayaran siya upang magpanggap na nobya niya para sa kaligayan ng lola niyang may dementia.
Susundan ng “Saying Goodbye” at “Hello, Heart” sa iQiyi at
www.iQ.com ang mga orihinal na content tulad ng “Danger Zone,” “Ferryman: The Legends of Nanyang,” “Unforgettable Love,” “My Roommate is a Gumiho” at “Jirisan.” Ang mga ito ang pinakabagong serye na available sa iQiyi at
www.iQ.com.