News Releases

English | Tagalog

Boto ng akademya, nakuha ng “ASAP Natin ‘To” at ni Angel Locsin sa 9th Paragala Awards

June 17, 2022 AT 07 : 38 PM

The “ASAP Natin ‘To” family and Kapamilya star Angel Locsin were full of gratitude as they received recognitions from the faculty and students behind the 9th Paragala: The Central Luzon Media Awards 2022.

Lubos na nagpapasalamat ang “ASAP Natin ‘To” family at Kapamilya star na si Angel Locsin sa iginawad sa kanilang pagkilala ng mga guro at mag-aaral sa likod ng 9th Paragala: The  Central Luzon Media Awards 2022.

“Taos-puso kaming nagpapasalamat sa Holy Angel University Paragala for making ASAP the Best Musical Variety Show,”  ani Ogie Alcasid, Erik Santos, Jed Madela, at Kim Chiu sa kanilang pagtanggap ng pinakabagong parangal para sa pinakamatagal na musical variety show sa bansa.

Samantala, Paragala Pang Lingkod Bayan naman ang ibinigay kay Angel, na kilala rin para sa kanyang mga adbokasiya at pagtulong lalo na tuwing may sakuna.

Sa kanyang video message, ibinahagi ng “real-life Darna” ang kanyang award sa volunteers at donors na walang pagod tumulong sa ating mga kababayan. Hinimok din niya ang mga manonood na laging mag-malasakit sa isa’t isa.

“Ang pakikipagkapwa-tao naman po ay responsibilidad po nating lahat bilang tao. Meron man tayong kakayahang maka-tulong o wala, ang importante ay makapagbigay tayo ng ngiti sa ating kapwa,” aniya.

Ginanap noong Hunyo 17 sa Holy Angel University (HAU) ang Paragala, na sinasabing pinakamalaking student-based award giving body sa bansa. Layunin nitong bigyang pagkilala ang mahuhusay na personalidad at institusyon sa midya. Mayroon din livestreaming sa Paragala Facebook page ang seremonya, na may temang “KISLAP” ngayong taon.

Para sa iba pang update, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, or visit www.abs-cbn.com/newsroom.