Sheryn and Mel share their experience as partners in life, from how their romance blossomed to the hurdles they faced together
Tampok din ang gilas ni Prince de Guzman sa pag-cosplay, pati ang kwento ng inspirasyon ng bright 17-year-old PWD student
Sa pagpapatuloy ng selebrasyon sa Pride Month, hatid ni Kapamilya anchor Bernadette Sembrano ang kwento ng pag-iibigan nina power belter Sheryn Regis at partner niyang si Mel de Guia, pati ang kanilang adbokasiya para sa LGBTQIA+ community ngayong Linggo (Hunyo 23) sa "Tao Po."
Bukod sa kanyang pagkilala bilang isa sa mahuhusay na Pinoy singers na unang nadiskubre sa singing competition na "Star in a Million" pati sa kanyang iconic hits na "Come On In Out of the Rain" at "Gusto Ko Nang Bumitaw," isa ring proud advocate si Sheryn para sa LGBTQIA+ community na ngayo'y ginagamit din ang kanyang tinig para magbigay liwanag sa mga pinagdaraanan at hinahangad ng komunidad
Sa pagdayo ni Bernadette sa kanilang restaurant sa Laguna, dito ibabahagi nina Sheryn at Mel kung paano nagsimula ang kanilang love story at ang mga hamong kanilang hinarap.
Samantala, itatampok naman ni Michael Delizo ang gilas ni Prince de Guzman sa pag-cosplay at paggawa ng nakaaaliw na makeup challenges, na napansin din ng mga madla abroad. Ikukwento ni Prince kung paano niya naging kabuhayan ang kanyang hilig sa pag-cosplay ng mga kilalang comic book, TV series, at movie characters.
Ibibida naman ni Kabayan Noli de Castro ang kwento ng 17-year-old PWD student na si Ashley Napili. Kahit pinanganak siyang walang mga kamay at paa ay lubos niyang ine-enjoy ang kanyang teenage life—mula sa paggawa ng online content sa TikTok hanggang sa pag-excel niya sa kanyang pag-aaral.
Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo sa "Tao Po," 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News's YouTube Channel, at iWantTFC
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.