News Releases

English | Tagalog

Cianne Dominguez, pumapag-ibig sa debut EP na "Gumamellow"

April 30, 2025 AT 02 : 58 PM

Tampok ang mga komposisyon ng kanyang “It’s Showtime” co-host na si Teddy Corpuz

Mala-rollercoaster ride na pag-ibig ang ibinahagi ng “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez sa debut extended play (EP) na “Gumamellow.”

Hango sa mga salitang gumamela at mellow ang titulo ng five-track mini album na sumasalamin sa feminine at sweet side ng musika ni Cianne.

Tampok dito ang tatlong bagong awitin na “Gumamellow,” “Layag,” at “Sikreto” at ang singles na “Traffic” at “Shot Puno” na nauna na niyang ilunsad. Lahat ng kanta sa EP ay nagmula sa komposisyon at produksyon ni Teddy Corpuz.

Sa key track na “Layag” na naging bahagi ng Spotify Fresh Finds Philippines playlist, inilarawan ni Cianne ang nararamdamang pag-ibig bilang paglalayag sa gitna ng alon ng dagat kasama ang taong mahal.

Noong nakaraang taon, nagpakilala ang StarPop artist sa pamamagitan ng kanyang unang single na “Traffic.” Kasunod nito, inilabas niya nitong Pebrero ang Valentine’s offering na “Shot Puno.”

Bago nagsimula ang karera niya sa musika, naging grand finalist si Cianne sa “Sexy Babe” segment ng It’s Showtime at tuluyan nang naging mainstay ng noontime show.

Damhin ang pag-ibig sa debut EP ni Cianne na “Gumamellow” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE