News Releases

English | Tagalog

Leo Martinez at Angeli Khang, pasok sa “FPJ’s Batang Quiapo”

May 14, 2025 AT 01 : 01 PM

Primetime King Coco Martin is pulling out all the stops as he treats viewers to the ultimate action-packed battle that is set to unfold this week in “FPJ’s Batang Quiapo.”

Coco-Christopher at Albert-Jake, magbabakbakan!

Isa na namang maaksyong linggo ang dapat abangan ng mga manonood ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa muling pagsabak ni Coco Martin sa bakbakan, pati na rin ang pagpasok nina Leo Martinez at Angeli Khang sa hit primetime series.

Mauuwi kasi sa isang mabagsik na harapan ang mag-amang Tanggol (Coco Martin) at Ramon (Christopher de Leon), laban kina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto (Albert Martinez) matapos magka-aberya ang isang malaking transaksyon nila sa droga.

Pero mukhang mas may matinding bakbakan pa ang naghihintay kay Tanggol dahil hindi na ito nagdadalawang-isip pa na muling kalabanin ang sariling amang si Ramon. Gusto na kasing kumalas ni Tanggol sa mga iligal na transaksyon ni Ramon at handa na siyang magbagong buhay para maging mabuting tao. 

Dagdag pa sa kalbaryo na haharapin ni Tanggol ay ang pagpasok sa serye ng mga karakter nina Leo at Angeli, na mula sa isa sa pinakamakapangyarihang sindikato sa bansa at maaaring makabanggan ni Tanggol. 

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
 
Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom