Nagbabalik ang highest grossing Filipino film of all-time nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello Love Goodbye” sa TV premiere nito ngayong Disyembre sa KBO ng ABS-CBN TVplus.
Ang pelikulang idinerehe ng award-winning director na si Cathy Garcia Molina ay umiikot sa kwento ng mga OFW sa Hong Kong at sa love story nina Joy (Kath), isang OFW na nangangarap mag-migrate sa Canada at Ethan (Alden), isang bartender na inaantay ang kanyang pagiging isang Hong Kong resident.
Sa kanilang pagtatagpo, makikita ng manonood kung bakit hindi lang kilig ang dala ng kanilang kwento. Heto ang ilang mga mapupulot ng mga Kapamilya sa pelikula:
INUUNA NG PILIPINO ANG PAMILYA BAGO ANG SARILI
Sa pelikula, pinili ni Joy mamasukan sa iba’t ibang trabaho para lang tulungan ang pamilya at mag-ipon para sa pinapangarap niyang mas magandang kinabukasan sa Canada. Para sa kanya, mas mabuting mawalan ng oras sa sarili kung kapalit naman ito ang kaginhawaan ng pamilya niya.
ANG HIRAP NA NARARANASAN NG MGA OFW SA IBANG BANSA
Ipinakita sa pelikula na hindi laging maganda ang sitwasyon ng mga OFW katulad ng iniisip ng karamihan. Kinailangan ni Joy pagsabayin ang household chores, pag-alaga sa bata at matanda, pagbebenta ng online products, pagiging isang waitress at dishwasher sa isang bar. Hindi biro ang ginagawang sakripisyo ng mga OFW dahil mismo ang choice nilang mamuhay malayo sa kanilang minamahal ay isang napakahirap na desisyon.
PATAWARIN ANG SARILI SA MGA MALING DESISYON
Sa pelikula, inaayos na ni Ethan ang sarili matapos niya igive-up ang residency para sa ex-girlfriend at iwan ang responsibilidad sa pamilya. Ngunit nang subukang kunin muli ang tiwala ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang kapatid, pilit pa rin niyang sinisisi ang sarili sa kanyang maling desisyon. Sa tulong ni Joy, unti-unti niyang napatawad ang sarili.
MAKAKATULONG SA KAIBIGANG MAY PROBLEMA ANG PAGRE-REACH OUT
‘Need a friend today,’ ang laging text ni Ethan kay Joy sa kanyang pagpilit nito para maging kaibigan ang babae. Minsan, isang text message lang ay makakatulong sa isang kaibigang may problema.
MAY MGA TAONG MAKIKILALA MO NA BABAGUHIN KA
Hindi lahat ng makikilala mo ay magiging mananatili sa buhay mo. Minsan, instrumento lamang sila para mapabuti ka. Hindi man sila magtagal sa buhay mo, nariyan naman ang mga alaala at lesson na mababaon mo sa buhay mo.
Sariwain mula ang kwento nina Ethan at Joy at huwag palampasin ang TV premiere ng KBO. Mag-register na prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, magload (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green/ INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang box ID; at itext ang KBO DEC13 <TVplus box ID> sa 2366. Para naman ma-enjoy ang 4 non-stop weeks ng KBO, i-text ang KBO99 <TVplus box ID> sa 2366.