Iba't ibang yugto ng pag-ibig tampok sa 5 bagong kanta

March 02, 2023 AT 02 : 40 PM

Find your phase of love in these 5 new songs from ABS-CBN artists

Magkakaibang yugto ng pag-ibig ang inilalarawan ng ABS-CBN Music artists na sina Bryan Chong, Drei Sugay, JMKO, Sam Hashimoto, at gabby parafina sa kanilang mga bagong awitin.
 
Sa kanyang single na “Mag-iisa,” ibinahagi ng “Idol Philippines Season 2” contestant na si Bryan Chong ang pagsubok na dala ng unrequited love. Ito ang kanyang unang single bilang recording artist na ipinorodyus ni Star Pop label head Rox Santos.
 
Pagkalito naman sa buhay at pag-ibig naman ang binigyang boses ni Drei Sugay sa awitin na “Ganun Talaga.” Matapos ang kanyang “Idol PH” journey, isinulat ni Drei ang awitin bilang kanyang unang single na nagpapaalala na may mga bagay sa buhay na hindi makokontrol.
 
Mula naman sa personal na karanasan ang hugot ni JMKO sa kantang “Huling Harana.” Ilang taon na ang lumipas nang isinulat ni JMKO ang awitin kung saan ibinuhos niya ang damdamin para sa dating kasintahan. Sa remastered na bersyon nito na inilabas sa ilalim ng Star Music, bagong timpla ang handog ng singer-songwriter na hihila sa emosyon ng makikinig.
 
Soul/R&B vibes naman ang dala ni Sam Hashimoto sa kanyang awitin na “Before The Night Disappears.” Ibinida ni Sam sa awitin ang paghahangad ng koneksyon kahit hindi pa handang umibig muli.
 
Samantala, inspired sa 90s R&B era ang bagong single na “no rush” ni gabby parafina. Sa kanyang isinulat na awitin na ilulunsad sa darating na Marso 10 (Biyernes) sa ilalim ng Tarsier Records, ikinuwento ni gabby ang mahalagang mensahe na hindi dapat magmadali pagdating sa pag-ibig.
 
Damhin ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig, bisitahin ang ABS-CBN Music YouTube channel, Tarsier Records YouTube channel, at iba’t ibang digital music platforms.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.