Mula kay Misha, Annrain, Lizzie, EDGE, Prince Keino, at JM
Mula sa pagkahulog ng damdamin, pakikipaghiwalay, o self-love, iba’t ibang kwento ng pag-ibig ang hatid nina Misha de Leon, Annrain, Lizzie Aguinaldo, EDGE, Prince Keino, at JM Bales sa kanilang mga bagong awitin.
Paniniguro sa pagmamahal ang itinampok ni Misha sa kanyang single na “
Haging” habang mabibigat na tanong tungkol sa pagkawala ng pag-ibig ang hugot naman ni Annrain sa kanyang first single na “
Bakit Ka Bumitaw.” Matapos ang kanilang “Idol PH” journey, handa na sina Misha at Annrain na ibuhos ang kanilang talento sa musika bilang future divas ng OPM.
Mula naman sa sikat na laruan ang naging inspirasyon ni Lizzie sa awitin niyang “
Lato-Lato.” Ikinumpara ni Lizzie ang paulit-ulit na tunog ng lato-lato sa nakakalitong pag-ibig na nagtutulak na balik-balikan ang taong minamahal. Samantala, nagbigay pag-asa naman ang soul balladeer na si EDGE sa kanyang awitin na “
Nakalaan” para sa mga nakalipas na relasyon.
Punong-puno ng self-love at kumpiyansa sa sarili ang tinig ng baguhang singer na si Prince Keino sa kanyang unang single na “
Indak” kung saan ibinida niya ang kanyang talento sa pag-awit, pagsayaw, at rap habang nakakakilig na mensahe naman ang handog ng dating “Tawag ng Tanghalan” contestant na si JM sa kanyang remake ng hit single ni Sam Milby na “
Tunay na Pag-ibig.”
Damhin ang pag-ibig mula sa bagong musika ng ABS-CBN Music na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
Tiktok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.