TV host and impersonator Jervi Li, more popularly known as “Kaladkaren” returns to her alma mater University of the Philippines (UP) this Saturday (October 13) in “University Town” (U-Town) with hosts Gretchen Ho and Robi Domingo.
Alyssa Valdez, nagpaka-Azkals
Babalikan ng TV host at impersonator na si Jervi Li, na mas kilala bilang “Kaladkaren” ang kanyang alma mater na Unibersidad ng Pilipinas (UP) ngayong Sabado (Oktubre 13) sa “University Town” (U-Town) kasama sina Gretchen Ho at Robi Domingo.
Ibabahagi ni Jervi, na napapanood ngayon sa “Umagang Kay Ganda,” ang tips sa paglibot sa napakalaking campus ng UP Diliman. Ipapakilala rin niya ang UP SAMASKOM, ang organisasyon kung saan sinimulan niya ang panggagaya sa kapwa niya UP alumna na si Karen Davila.
Abangan din ang kwelang pagtuturo nila kay Gretchen kung paano bigkasin ang mga salita ala-Kaladkaren. Samantala, kilalanin din ang “University Lodi” ng UP na si Johanne Jazmin Tan Jabines na nagwagi sa pinakamalaking kompetisyon ng public speaking sa mundo. Hindi rin magpapahuli ang “Campus Crush” na si Sam Corales, na dating miyembro ng UP Pep Squad at kasalukuyang courtside reporter para sa UP.
Panoorin din ang volleyball star na si Alyssa Valdez sa kanyang pagsabak sa sport ng Philippine Azkals na football kasama ang UP men’s football team, ang kampeon ng UAAP noong Season 80.
Abangan ang lahat ng ito sa “U-Town” ngayong Sabado (Oktubre 13), 1 pm sa S+A at S+A HD. Para sa iba pang sports news, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter o bisitahin ang sports.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com