News Releases

English | Tagalog

“Magandang Morning with Julius and Zen,” mas pinalakas

October 03, 2018 AT 10 : 14 AM

Saturday and Sunday mornings are bound to get brighter for Filipinos as DZMM’s long-running weekend show “Magandang Morning with Julius and Zen” is about to get a boost with new segments on DZMM TeleRadyo, which is available in ABS-CBN TVplus and cable TV.

Liliwanag pa ang mga umaga kasama sina Julius Babao at Zen Hernandez

Mas liliwanag pa ang umaga tuwing Sabado at Linggo para sa mga Pilipino dahil mas pinalakas pa ang “Magandang Morning with Julius and Zen” ng mga batikang mamamahayag  na sina Julius Babao and Zen Hernandez sa DZMM TeleRadyo, na napapanood sa ABS-CBN TVplus at cable TV.

Maliban sa mga panayam, komentaryo, at pagtalakay sa pinakamaiinit na isyu sa linggo, kung saan nakilala ang prorama simula nang magsimula ito noong 2003, magkakaroon na rin sila ng mga bagong segment na tiyak na kapupulutan ng impormasyon ng mga manonood at tagapakinig ng programa sa DZMM Radyo Patrol 630.

Sa “Ano’ng Meron,” patok na pasyalan at aktibidad para sa buong pamilya ang hatid nina Julius at Zen, samantalang bida naman ang mga Pilipinong naka-duty tuwing day-off ng karamihan tulad ng mga tindera at nars sa “Kayod-Kayod.” Ipapakita rin nila ang mga kwento sa likod ng mga tao sa balita sa “Dahan Dahan Lang.”

Masaya naman ang orihinal na anchor nito na si Julius sa mga pagbabagong magaganap sa ika-15 taon ng programa.

“Through the years nakakatuwa na nagkaroon na kami ng loyal following among our listeners and now our viewers in TeleRadyo. Nakakatuwa kasi mage-evolve na naman ‘yung program into another dimension. We are trying to explore pa ‘yung ways para mas lalo nating ma-improve ‘yung program at maging mas interesting pa sa listeners natin.”

Si Zen naman, patuloy na nagpapasalamat sa oportunidad na masubukan ang radyo at makasama pa ang isang de-kalibreng mamamahayag na gumagabay sa kanya simula nang pumasok siya sa “Magandang Morning” noong 2015.

“May halong excitement at kaba at first. Kasi this is the first time I’ll be working with him pero surprisingly he is a very warm person. I still look up to him but I think he is a friend now so nawala na ‘yung impression ko na nakakakaba.”

Pinuri rin ni Julius ang nakababatang co-anchor, na ika niya ay may taglay na talino, galing sa pagsasalita, at tamang attitude na siyang dahilan kung bakit matagumpay ang kanilang tandem at malayo na rin ang narating sa industriya.

“Nagko-complement kami kasi si Zen is a journalist ako naman kilala rin nila as a journalist, news anchor. Para kaming sparring parang nagsasayaw minsan yung timing namin sa isat isa. Hindi kami nagsasapawan. I guess ang isa sa strength namin as partners sa show is we respect each other’s opinions,” aniya.

Bukod sa “Magandang Morning,” patuloy na nagbabalita si Zen para sa ABS-CBN News at kung minsan ay humahalili sa “TV Patrol.” Si Julius naman ay may “Mission Possible” at “Bandila” sa ABS-CBN at “Lingkod Kapamilya” kasama si Bernadette Sembrano at mas maagang “Bandila” kasama si Karen Davila sa DZMM. Ngunit gaano man sila kaabala, lagi nilang inaabangan ang Sabado at Linggo dahil sa programa.

“It’s my outlet or my venue for hard news interviews na hindi ko nagagawa sa iba kong programa. Dito ako nakakapagtanong talaga ng mga tanong ko sa mga isyu at balita,” he said.

Tulad niya, oportunidad din ito para kay Zen na mas mahimay pa ang mga isyu, at sa bagong format, magagawa nila ito at marami pang iba para sa mga tagapakinig at manonood ng show.

“Kahit weekend, we promise them na patuloy namin silang bibigyan ng mga dapat nilang malaman na balita but at the same time we can offer them new segments na magbibigay sa kanila ng idea on how to spend time with family, how to relax, mga impormasyon sa iba pang mahalagang aspeto ng buhay.”

Samanatala, DZMM Radyo Patrol 630 pa rin ang una at laging pinakikinggan sa Mega Manila base sa Kantar Media Radio Survey.  Sa ikalawang quarter ng taon, nakakuha ang DZMM ng audience share na 25% kumpara sa 22% ng DZBB at 21% ng DZRH.

Abangan ang bagong “Magandang Morning with Julius and Zen” kasama sina Julius Babao at Zen Hernandez tuwing Sabado at Linggo ng 6 am sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo. Manood online sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph. Para sa balita, sundann ang @DZMMTeleRadyo sa Twitter at Facebook o pumunta sa news.abs-cbn.com/dzmm. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang www.abscbnpr.com.