Panibagong tagumpay ang nasungkit ng Kapamilya seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ikatlong anibersaryo nito dahil nakapagtala ito ng panibagong all-time high national TV rating noong Huwebes (Oktubre 4).
Nagkamit ang serye ng national TV rating na 47.2% mula sa parehong urban at rural homes, o higit sa tripleng lamang kumpara sa katapat nitong serye na “Victor Magtanggol” na nakakuha lamang ng 15.1%, ayon sa datos ng Kantar Media.
Tinutukan ng mga manonood ang maaksyong tagpo kung saan iniligtas ni Cardo (Coco Martin) ang anak ng dating Pres. Hidalgo (Rowell Santiago) na si Aubrey (Ryza Cenon), na siyang may alam na si Lucas (Edu Manzano) ang may utak sa pagpatay sa buong pamilya ng pangulo.
Dahil nga sa emosyonal na eksena, hindi napigilan ng netizens na ibahagi ang kanilang paghanga sa galing ng cast ng palabas.
“This scene is really good. Literally napaluha ako. Kudos to those who made this program lalo na sa mga artista sa eksena. Grabe. You deserve the long run on national TV dahil may sense ang programang ito,” komento ng YouTube user na si Doobidoo.
“Kakagising ko lang. Umagang-umaga pinanood ko ulit ang episode na ito. Ba’t ayaw tumigil ng luha ko? Ramdam mo ang bawat eksena, konting salita pero damang-dama,” sabi naman ni Haweca Aizel.
“Grabe dasal ko dito kagabi, na sana walang masamang mangyari kay Aubrey at sana mailigtas siya ni Cardo. Kumpleto na naman ang gabi ko,” papuri naman ni Irene Polistico Sulabo.
Tatlong taon nang pinatutuloy ng mga manonood sa kanilang mga tahanan si Cardo at maliban sa aksyon, hinahangaan din ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa mahahalagang aral na ibinibahagi nito gabi-gabi.
Panoorin gabi-gabi ang aksyon at aral sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.