Ten songs have finally been chosen from over 5,000 entries sent by Filipinos from all over the Philippines and abroad, now hailed as the Himig Handog 2018 finalists vying to become this year’s Best Song from the country’s biggest and much-awaited songwriting competition.
Napili na ang sampung awitin mula sa mahigit 5,000 entries na nagmula sa mga Pinoy sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa bilang Himig Handog 2018 finalists na maglalaban-laban para itanghal na Best Song sa pinakamalaking songwriting competition
Kakantahin ang mga orihinal na komposisyon na ito ng ilan sa mga magagaling na musical performers sa tradisyon ng Himig Handog, na ngayon ay may temang “Love Songs and Love Stories.”
Ang “Your Face Sounds Familiar Kids” season 2 contestants na sina Krystal Brimner at Sheena Belarmino, kasama ang female idol group na MNL 48, ang aawit ng “Dalawang Pag-ibig Niya” mula sa isinulat ni Bernard Reforsado ng Albay.
Ang “TNT” singer naman na si Eumee ang kakanta ng “Hati Na Lang Tayo Sa Kanya” ni Joseph Santiago ng Quezon City.
Nagbabalik naman ang R&B royalty na si Kyla sa ika-apat na pagkakataon bilang Himig Handog interpreter at sasamahan siya ng rapper na si Kritiko para sa awiting “Kababata” ni John Michael Edixon ng Parañaque City.
Ang “Mas Mabuti Pa” mula sa komposisyon nina Mhonver Lopez at Joanna Concepcion ng Laguna ay bibigyang buhay ng “Tawag Ng Tanghalan” grand champion na si Janine Berdin.
Kakantahin naman ng BoybandPH ang “Para Sa Tabi” na isinulat ni Robert William Pereña mula pa sa Dubai sa Middle East.
Samantala, pangungunahan ng “Araw Gabi” lead actor na si JM de Guzman ang awitin ng Davao pride na si Kyle Raphael Borbon na may titulong “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong.”
Ang Star Pop artist na si Maris Racal ang magpeperform ng “Sugarol” na isinulat naman ni Jan Sabili ng Muntinlupa City.
Nagbabalik rin si Jona para sa ikatlong taong sunod-sunod na pagsali bilang Himig Handog interpreter, ngayon para sa awiting “Tinatapos Ko Na,” isang komposisyon ni Sarah Jane Gandia ng USA.
Ang OPM band na Agsunta ang magbibigay interpretasyon sa “Wakasan” ni Philip Arvin Jarilla ng Antipolo, habang si Sam Mangubat naman ang aawit ng “Wala Kang Alam” na binuo nina Martin John Arellano ng Manila at Mel Magno ng Pampanga.
Panoorin ang mga ka-abang-abang na Himig Handog performances sa ASAP simula Linggo (Oktubre 7). Ang mananalo ay ihahayag sa Nobyembre 25.
Tatanggap ng P1 million ang grand prize winner, habang P500,000 naman ang makukuha ng sumulat ng 2nd Best Song. Ang mga composers na tatanghaling 3
rd place ay tatanggap ng P200,000, ang 4
th place ng halagang P150,000 at ang 5
th place ng halagang P100,000.
Nasa ika-siyam na taon na ang Himig Handog na handog ng ABS-CBN at Star Music. Nagsimula ito noong 2000 hanggang 2003 at ibinalik muli pagkatapos ng isang dekada. Patuloy ito sa pagdidiskubre ng local talents at pagsuporta sa OPM sa pagkakalap nito ng mga bagong awiting may tatak Pinoy.
Ang kantang “Titibo-Tibo” mula kay Libertine Amistoso at inawit ni Moira dela Torre ang itinanghal na Himig Handog 2017 Best Song na siya ring nakapukaw sa damdamin ng mga Pinoy.
Para sa karagdagang detalye, i-like ang @HimigHandog2018 sa Facebook. Bisitahin din ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.