A gruesome tale about a child’s love for his mother, a killing spree, and a mythical cave that demands lives in exchange for wishes will keep horror junkies guessing until the end when they watch iWant’s original gore-horror thriller “Ma.”
Ang mga magulang ang kadalasang nagsisilbing gabay ng anak sa tamang landas, ngunit paano kung ang mismong ina ang maging dahilan ng isang bata sa paggawa ng isang mortal na kasalanan?
Tunghayan ang hiwaga at kilabot na handog ng horror film na “Ma,” isa sa mga orihinal na pelikulang handog ng bagong streaming service ng ABS-CBN na iWant, na mapapanood simula ngayong Sabado (Nobyembre 17).
Iikot ang kwento ng pelikula kay Samuel (Kyle Espiritu), isang batang gagawin ang lahat para sa minamahal na ina (Glydel Mercardo).
Magbabago ang kapalaran niya matapos niyang pasukin ang isang mahiwagang kwebang pinaniniwalaang tumutupad ng mga kahilingan. Hihilingin ni Samuel na buhayin nito ang kanyang nanay, pero kapalit nito, kailangang magsikripisyo ni Samuel ng iba pang buhay bilang alay. Hanggang saan nga ba aabot si Samuel upang mapanatiling buhay ang ina?
Samantala, una nang pinag-usapan ang “Ma” nang ipalabas ito sa screening ng Cinema One Originals 2018, kung saan sari-saring papuri ang natanggap nito mula sa mga naglalakihang pangalan sa industriya.
Sabi ng batikang writer na si Lilit Reyes na isa sa mga nagsulat ng multi-awarded film na “Changing Partners,” “’Ma’ provokes our notions on motherhood, love for family and sacrifices, in a competently executed dark and isolated world, with a series of riddles that build up to a brave finale. It doesn’t hesitate to be unexpectedly meaner than its slow burn darkness. And its epilogue punctuates with a wickedly uneasy resolution on how far we would go for love and its losses. And it introduces us to a director with a powerful potential to awaken the untapped evil in the recesses of our minds.”
Papuri naman ng direktor na si Victor Villanueva, “I was surprised. The film was very unexpected. It wasn’t the usual horror film… It was very moody and I got really engrossed. I really like the visuals. I am definitely recommending ‘Ma.’”
Ayon naman sa film enthusiast at reviewer na si Manuel Paranguy, “Slow burn s’ya and yet sa buong running time, buo ang discomfort na binibigay ng visuals at ang mismong tema nito. Bihira ang ganyang power sa landscape ng horror sa recent Philippine Cinema.”
Samantala, binigyan ng blogger at page na Lakwatsera Lovers ang “Ma” ng score na 9 out of 10 at isinulat na ito ang, “The most disturbing Filipino film in recent memory. Solid performances from Anna Luna and Kate Alejandrino plus a surprising set of child stars that effectively injects the terror underneath the skin.”
“This is one of the most original horror films I’ve seen in recent years,” sabi naman ng netizen na si Lyca Guadagnino o Twitter user na si @thesuperkayow.
Kasama rin sa “Ma” sina Anna Luna, Alessandra Malonzo, Enzo Osorio, Kate Alejandrino, Rafael Siguion-Reyna, Ian Curtis, at Susan Africa. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Kenneth Lim Dagatan.
Sa bagong iWant, maaaring mapanood nang libre ng users sa loob ng bansa ang mga palabas sa iOS at Android apps o sa pamamagitan ng web browser. Ang mga user namang may iWant TV app ay kailangan lang mag-update ng bagong bersyon ng app sa (Sabado) Nobyembre 17.
Para sa karagdagang updates, i-like ang
www.facebook.com/iWant, at sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa
www.youtube.com/iWantPH.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/PBvD6R8NhO0" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture" allowfullscreen></iframe>