News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars, hatid ang katatawanan at saya sa iWant original series na "Alamat ng Ano"

November 15, 2018 AT 02 : 58 PM

ABS-CBN’s new streaming service iWant gives netizens a special treat by streaming the episode of its feel-good original series “Alamat ng Ano” that features real-life friends Maymay Entrata and Kisses Delavin.


Maagang patikim ang handog ng bagong streaming service ng ABS-CBN na iWant sa fans nina Maymay Entrata at Kisses Delavin dahil mapapanood na ang episode nilang ”Nura at Velma” mula sa “Alamat ng Ano” ngayong Huwebes (Nobyembre 15) kung saan tampok ang nakakatawang salpukan at iringan nila bilang dalawang magkaribal aktres na pag-aagawan ang isang sikat na foreign actor.
 
Maaari na ring ma-download ang bagong iWant app sa iOS and Android sa naturang araw at mapanood ang episode sa web browser sa iwant.ph.
 
Sa anthology series na “Alamat ng Ano,” sampung kwentong puno ng halakhak at kwela ang pagbibidahan ng iba’t ibang Kapamilya stars at hahaluan ngkatatawanan ang pinagmulan ng mga ordinaryong bagay sa bawat episode. 
 
Bukod sa aliw at katatawanan, magiging palaisipan din ang “Alamat ng Ano” sa iWant users na kailangang hulaan kung tungkol sa anong bagay ang alamat na itatampok sa bawat episode.
 
Hindi naman magpapahuli ang kapareha ni Kisses na si Donny Pangilinan na bibida sa “F3,” tungkol sa grupo ng mayayaman at hambog na lalaking tuturuan ngleksyon ni Chunchai (Kira Balinger).
 
Magpapatawa rin si Melai Cantiveros sa “Waka Waka Ee Tribe” bilang inang kailangang itago ang kalbong anak mula sa kanilang tribo na puro mahahaba ang buhok, samantalang sasalbahin naman ni Dominic Ochoa ang pagsasama nila ng kanyang asawa matapos niyang maadik sa pagsasabong sa “The Boxer.”
 
Puno ng aksyon ang “The Getaway Driver” ni Ejay Falcon na babalikan ang dating buhay bilang kriminal para sa ikagiginhawa ng buhay ng kanyang pamilya. Sa kabila naman ng tikas at gwapo ng karakter ni Jake Cuenca sa “My Handsome Boyfriend,” pipilitin niyang manalo sa isang TV contest para tanggapin ng pamilya ni Donna Cariaga.
 
Ihanda ang sigawan kasama si AC Bonifacio, na gaganap bilang isang exchange student na sasabak sa isang horror adventure sa “Fempire.” Isa-isa namang mawawala ang mga karakter ng BoybandPH matapos nilang pasukin ang isang abandonadong bahay sa “Bayawak Band.”
 
Parang tumama naman sa lotto ang mag-asawang gagampanan nina Nico Antonio at Denise Joaquin nang isilang ang kanilang kakaibang anak sa “The Golden Baby.” Samantala, matututong mag-Kung Fu si Ketchup Eusebio at ipagtatanggol ang mga naaapi sa “Parang Chinese.”
 
Ipapakita din ng Kapamilya comedians na sina Jobert Austria at Nonong Ballinan ang angking galing sa pagpapatawa bilang madaldal na barangay tanod at ang sidekick nitong isinasalaysay ang sampung episodes.
 
Ang “Alamat ng Ano” episodes ay idinirek nina JP Habac (“My Handsome Boyfriend” at “The Boxer”), Topel Lee (“Fempire” at “Waka Waka Ee Tribe”), Jon Red (“Parang Chinese” at “The Golden Baby”), Mark Meily (“Getaway Driver”), Lemuel Lorca (“Bayawak Band” at “Nura and Velma”), at Noel Teehankee (“F3”).
 

Agad namang gumawa ng ingay ang “Alamat ng Ano” matapos lumabas ang trailer at teasers ng bawat episode online. Marami ring fans ang nakapanood na ngepisodes ng kanilang mga idolo at nag-post tungkol sa katatawanang makukuha mula sa anthology series.
 
Sabi ng Twitter user na si @russellsinigang, “Have you guys watched ‘Alamat ng Ano - Bayawak Band’? Imbis na matakot natatawa ako. Very hilarious and ang galing ng boys!” Komento rin ni @DKforealsoon, “Done watching ‘Alamat ng Ano: Nura and Velma’ and grabe laughtrip. Natural lang talaga magpatawa sila Maymay at Kisses. Napa-throwback tuloy ako sa PBB days ng #KissMay lalo na yung actingan nila. Nakaka-miss sila. My favorite friendship.”
 
Sa Facebook, ipinahayag ni Mira Joy Fostanes na, “’Alamat ng Ano: The FemPire,’ Must watch siya guys, sobrang worth it panoorin lalo na kung gabi.” Sa post naman ni CÈleste Amorè, sinabi niyang “Napanood ko buong part ng ‘Nura at Velma.’ Grabe tawa ko nang tawa. Sobrang effective din pala si Kisses sa comedy.”
 
Mapapanood na ang Maymay-Kisses episode ngayon at ang buong “Alamat ng Ano” sa Sabado (Nobyembre 17). Mada-download naman ang bagong iWant sa iOS at Android simula Biyernes. Ang mga user namang may iWant TV app ay kailangan lang mag-update ng bagong bersyon ng app sa Sabado din.
 
Para sa karagdagang updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, at sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sawww.youtube.com/iWantPH.

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/5pfDgPZs4HU" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture" allowfullscreen></iframe>