iWant’s original show “IKR (I Know Right?!)” is becoming the newest go-to entertainment online source.
Linggo-linggong nagsasama-sama ang showbiz insiders na sina MOR 101.9 DJ Jhai Ho, TV Patrol Star Patroller MJ Felipe, at online sweetheart at television headwriter na si Darla Sauler para pag-usapan at bigyang kasagutan ang mga pinakamaiinit na isyu sa sa showbiz sa iWant original na “IKR (I Know Right?!)” na napapanood nang live tuwing Biyernes ng gabi.
Matapos mag-trend sa Twitter ang show noong nakaraang linggo kasama ang guests na sina Donny Pangilinan at Kisses Delavin o DonKiss, mas marami pang Kapamilya stars ang iimbitahan nina Jhai Ho, MJ at Darla sa pinakabagong online chikahan ng bayan.
Tampok din sa “IKR” ang segments tulad ng “Emoji Reacts” kung saan ipapakita ng hosts ang kanilang mga emosyon tungkol sa pinag-uusapang isyu gamit ang “emoji flashcards,” at “MOTD” o “Mema of the Day” para ibahagi ang kanilang kuro-kuro tungkol sa pinakamaiinit na balita sa showbiz.
Mapapanood ang show at ang iba pang original shows at movies nang libre sa iWant, ang bagong streaming service ng ABS-CBN, sa iOS at Android simula ngayong araw (Nobyembre 15) bago ang official launch nito ngayong weekend. Ang mga user namang may iWant TV app ay kailangan lang mag-update ng bagong bersyon ng app.
Maagang patikim naman ang handog ng iWant sa users nito dahil mapapanood na ang episode na ”Nura at Velma” nina Maymay Delavin at Kisses Delavin mula sa original anthology series na “Alamat ng Ano” ngayong araw.
Patuloy namang mapapanood sa iWant ang mga paboritong show at pelikula ng mga Kapamilya, restored movie classics, fastcut versions ng mga umeereng Kapamilya teleserye, at Asianovelas, kabilang na ang back-to-back na “Meteor Garden” China at ang orihinal nitong Taiwanese version.
Para sa karagdagang updates, i-like ang
www.facebook.com/iWant, at sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial.