News Releases

English | Tagalog

"Pareng Partners" nina Anthony at Jorge, patok sa mga manonood

November 05, 2018 AT 06 : 00 PM

More and more Filipinos around the country are spending their weekends with broadcast journalists Anthony Taberna and Jorge Cariño on “Pareng Partners” as they tackle the most relevant and important issues to Filipino families every Saturday on ABS-CBN before “TV Patrol Weekend.”

Dumarami ang mga sumasali sa kwentuhan nina Anthony Taberna at Jorge Cariño para pakinggan ang mga kwento, opinyon, at pinagkakaabalahan ng mga karaniwang Pilipino sa “Pareng Partners” tuwing Sabado sa ABS-CBN bago mag “TV Patrol Weekend.”

 

Kinagigiliwan ng mga tagasubaybay nito ang malayang diskusyon sa mga isyung may kaugnayan sa buhay ng bawat pamilyang Pilipino. Tulad niyan ang tamang laki ng pamilya, ang pinagkaiba ng buhay probinsya sa buhay sa lungsod, ang problema sa trapik, maliit na sahod at tumataas na bilihin, at mga diskarte tuwing dumarating na ang ‘petsa de peligro.’

 

Ayon sa isang netizen na si Nenita Bautista sa Facebook, “Napakaganda programa itong Pareng Partners. Na re-reach out yong mga kababayan nating may kakaibang buhay dito sa lipunan.” Sabi naman ng isang Twitter user na si @ran_darklord13, marami daw siyang natutunan sa program dahil ito ay “Sumasalamin sa tunay na buhay ng mga kababayan natin.”

Maging ang mga anchor ng programa, na kapwa nagsimula bilang mga reporter sa DZMM, ay masaya sa paggawa ng bawat episode. Sa unang linggo, dumalaw sina Anthony at Jorge sa kinalakihan nilang mga probinsya. Lubos itong kinatuwa ni Anthony, na galing sa pamilya ng mga magsasaka sa Nueva Ecija.

 

“Malaki ang pasasalamat ko na nakabalik ako sa nakaraan, sa kabataan ko sa bukid at sa simula ng career ko bilang reporter. Kung dati, political at investigative beat, gyera, at kalamidad, ngayon naman pumapasok na kami mismo sa bahay ng mga tao, para makipagtsikahan kami sa kanila na personal,” sabi ni Anthony.

 

Dagdag pa ni Jorge, “Sa karanasan ko bilang reporter, nakikita ko na karamihan sa mga pinakamatalino, mapagmahal, at magiting na tao ang mga nakikilala mo araw araw. Doon ko nakita na maraming bayani na madalas hindi natin nakikilala.”

 

Ngayong Sabado (Agosto 25), tatalakayin nina Anthony at Jorge ang mga isyu at hinaharap ng mga magulang na  mag-isa at solong binubuhay ang mga anak. Ano nga ba ang mga hinaharap ng mga taong kayang gampanan ang obligasyong Nanay-Tatay? Ano ang mga benepisyong makukuha kapag ganito ang sitwasyon?

 

Sumali sa kwentuhan nina Pareng Tunying at Pareng Jorge sa “Pareng Partners” tuwing Sabado, 5:15 pm bago mag “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Panoorin online via livestreaming o on-demand sa www.iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph. Sundan ang “Pareng Partners” sa Facebook at Twitter (@ParengPartners). Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.