DZMM continues to take the lead in delivering important and relevant information to Filipinos as the election special “Halalan 2019 Ikaw Na Ba: The DZMM Senatorial Candidates’ Interview” begins airing Tuesdays and Thursdays starting 4:30 pm, in a special team-up between “Pasada Sais Trenta” and “Dos por Dos” in time for the 2019 national elections.
DZMM, nangunguna pa rin sa AM radio, inilunsad ang “Haybol Pinoy”
Patuloy ang misyon ng DZMM na ihatid ang mahahalagang impormasyon sa mga Pilipino sa pamamagitan ng election special na “Halalan 2019 Ikaw Na Ba: The DZMM Senatorial Candidates’ Interview” na umeere tuwing Martes at Huwebes simula 4:30 pm sa espesyal na edisyon ng “Pasada Sais Trenta” at “Dos Por Dos,” bilang paghahanda sa Halalan 2019.
Sa “Ikaw Na Ba” interview series sa DZMM Radyo Patrol 630 at sa TV sa DZMM TeleRadyo, live na sasagutin ng mga tumatakbong kandidato sa pambansang eleksyon ang mga akusasyong ibinabato sa kanila at inilalahad rin ang kanilang plataporma at adbokasiya upang mapatunayan na sila ay karapat-dapat na iboto ng mga Pilipino.
Mula sa unang episode nito noong Nobyembre 27, humarap na ang mga kandidato tulad nina Juan Ponce Enrile, Sergio Osmena III, Samira Gutoc, Ding Generoso, Willie Ong, Romulo Macalintal, Harry Roque, Florian Hilbay, at Larry Gadon sa masusing pagtatanong ng mga bagong anchor sa “Pasada Sais Trenta” na sina Peter Musñgi at Pat-P Daza at sina Anthony Taberna at Gerry Baja ng “Dos Por Dos” na tinanong ang kanilang paninindigan sa mga isyu tulad ng pederealismo, pagtaas ng presyo ng bilihin, ekonomiya, Bangsamoro Organic Law (BOL), isyu sa pabahay, at iba pa. Ilan lang sila sa mga bibisitang kandidato sa mga susunod na linggo.
Samantala, nangunguna pa rin ang premyadong DZMM Radyo Patrol 630 sa mga nakikinig ng radyo sa Mega Manila base sa Kantar Media AM Radio Survey nitong Setyembre 25 hanggang Oktubre 1 para sa ikatlong bahagi ng 2018.
Nakakuha ang DZMM ng audience share na 32 percent, mahigit sa DZBB at DZRH na may 28 percent at 11 percent na audience share lamang. Itinanghal rin ang DZMM bilang AM Radio Station of the Year ng mga estudyante ng PUP kamakailan lang.
Inilunsad rin ng DZMM noong Nobyembre 24 ang “Haybol Pinoy,” na pinangungunahan nina Atty. Terry Ridon at ang ABS-CBN News anchor na si Tina Marasigan. Tampok sa programa ang lahat ng mga pwedeng mapagusapan tungkol sa pamamahay at sa tahanan tulad ng tips para sa paguupa ng lupa, pamimili o pagtatayo ng bahay, paga-budget, at iba pa. Mas mahaba na rin ang “SOCO sa DZMM” at “Radyo Negosyo,” na umeere na ng 6 pm at 7:30 pm tuwing Sabado.
Panoorin at pakinggan ang “Halalan 2019 Ikaw Na Ba: The DZMM Senatorial Candidates’ Interview” series tuwing Martes at Huwebes kasama sina Peter Musñgi, Pat-P Daza, Anthony Taberna at Gerry Baja simula 4:30 hanggang 6:30 pm sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630; at ang “Haybol Pinoy” tuwing Sabado ng 2 pm hanggang 3 pm. Panoorin rin ito online sa iwant.ph o sa skyondemand.com.ph. Sundan ang @DZMMTeleradyo sa Facebook sa Twitter para sa mainit na balita o pumunta sa dzmmm.com.ph. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNpr sa Facebook, Twitter, at Instagram at pumunta sa abscbnpr.com.