News Releases

English | Tagalog

Sylvia Sanchez at Boots Anson-Roa sa kwento ng mag-inang susubukin ng Alzheimer’s sa “MMK”

December 20, 2018 AT 10 : 17 PM

A daughter learns to let go of an old family conflict and returns home to care for her gravely ailing mother in this Saturday’s (December 22) episode of “MMK,” which stars Sylvia Sanchez and Boots Anson Roa. This is the second part of the “MMK” Christmas episode last year, “Sumbrero” featuring Toni Gonzaga, Gloria Diaz and Boots Anson-Roa.

Sa kabila ng hindi pagkakaunawaan, pag-aaruga ang alay ni Jona (Sylvia Sanchez) sa inang nagka-Alzheimer’s na si Nita (Boots Anson Roa) sa “MMK” ngayong Sabado (Disyembre 22). Ito ang ikalawang parte ng Christmas episode ng “MMK” na “Sumbrero” noong nakaraang taon tampok sina Toni Gonzaga, Gloria Diaz at Boots Anson-Roa.
 
Lalaki si Jona na malayo ang loob sa ina dahil abala ito sa pagiging tindera para tustusan ang pamumuhay ng pamilya. Lingid sa kaalaman ng pamilya ni Nita, nalululong na rin ito sa pagsusugal at droga, bagay na ikagagalit ni Jona at dahilan para magtanim ng loob sa ina.


 
Magrerebelde ito at makikipagtanan sa nobyong si Ruben (Nonie Buencamino) at tuluyang kakalimutan ang pamilya. Susumpa si Jona na hindi tutulad sa pagpapalaki ng ina.
 
Susubukan sila ng kapalaran nang pumanaw ang ama at malulugmok sa depresyon at pangungulila si Nita. Mananaig ang pagiging mapagmahal na anak ni Jona at aalagan ang inang nagdadalamhati.
 
Unti-unting magiging makakalimutin at wala sa sarili si Nita at madidiskubre ng pamilya na mayroon siyang Alzheimer’s disease. Isang araw, mawawala si Nita bago mag-Pasko at matatagpuan lamang pagkatapos ng dalawang linggo.
 
Paano kinaya ng pamilya nina Jona at Nita ang sakit ng inang nagungulila? Hanggang saan aabot ang pagiging mapa-arugang anak?
 
Kasama rin sa episode sina James Blanco, Marc Acueza, Axel Torres, Tom Doromal, Alexa Ilacad, Ced Torrecarion, Joel Molina, Mickey Ferriols, Mary Joy Apostol, Michael Rivero, Toby Alejar, Claire Ruiz, Isaac Tangonan, Jacob Dionisio, JB Agustin, Raikko Mateo, Peewee Ohara, Nikki Valdez, at Jai Ho. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Crisostomo Naval at panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos.
 
Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.  Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.