News Releases

English | Tagalog

"MMK," wagi sa unang Asian Academy Creative Awards

December 07, 2018 AT 01 : 29 PM

“Maalaala Mo Kaya,” (“MMK”) Asia’s longest-running drama anthology that is known for chronicling real-life stories that feature the struggles and experiences of Filipinos from all walks of life, made history after winning Best Single Drama/Telemovie at the inaugural Asian Academy Creative Awards in Singapore last Thursday (December 6).


Isang karangalan ang naibigay ng “Maalaala Mo Kaya,” na kilala sa paghahatid nito ng mga kwento ng Pilipino ng kanilang mga pagsubok at karanasan, sa Pilipinas matapos nitong manalo bilang Best Single Drama/Telemovie sa kauna-unahang Asian Academy Creative Awards na ginanap sa Singapore noong Huwebes (December 6).

 

Pinarangalan ang longest-running drama anthology ng Asya para sa ‘Kotse-Kotsehan’ episode (na may international title na “Toy Car” ) na tungkol sa pagmamahal ng dalawang ina sa kanilang anak at pinagbidahan ng award-winning actress na sina Angel Locsin at Dimples Romana.

 

Ayon sa “MMK” business unit head na si Roda dela Cerna, binabahagi niya ang panalo sa “dalawang nanay na ipinagkatiwala ang kanilang buhay sa “MMK.” Pinasalamatan din niya ang mga taong bahagi ng multi-awarded drama anthology.

 

Napabilang pa ang “MMK” sa international gala finals matapos kilalanin na national winner sa nasabing parangal noong Oktubre.

 

Ang Asian Academy Creative Awards ay ginaganap sa 2018 Singapore Media Festival (SMF) at itinatag upang “ipagdiwang ang Asian storytelling” at naglalayon din “maging pamantayan ng pinakamagagaling sa larangan ng content creation at media production sa Asya.

 

Bukod sa Asian Academy Creative Awards, naiuwi rin ng “MMK” ang Anak TV Seal Awardee 2018 at Household Favorite Television Program sa Anak TV Seal Awards noong Biyernes (Disyembre 7).

 

Patuloy na panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.  Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.