Ian Veneracion topbills the life story of National Artist for Visual Arts Cesar Legaspi this Saturday’s (April 14) on “MMK.”
Bago nakilala para sa kanyang mga makasaysayang obra, binigyang kulay ng pag-ibig at pinatibay ng iba’t ibang karamdaman ang buhay ng National Artist for the Visual Arts na si Cesar Legaspi.
Tunghayan ang kwento ng kanilang buhay ng asawang si Betty sa natatanging pagganap ni Ian Veneracion at Angel Aquino sa “MMK” ngayong Sabado (Abril 14) sa ABS-CBN.
Lumaki bilang isang masakiting bata, nadiskubre ni Cesar na siya ay color blind pagtungtong niya ng kolehiyo habang nag-aaral ng fine arts. Ngunit hindi ito naging hadlang para abutin niya ang kanyang mga pangarap at magpatuloy sa pagpinta.
Pagsapit ng 1930s, nakikilala niya ang magiging pinakamalaking tagasuporta niya – si Betty – ngunit hindi magiging madali para sa dalawa ang kanilang relasyon dahil tutol ang pamilya ng dalaga sa kanya.
Hindi nagtagal at pumayag na ang pamilya ng dalaga na pakasalan si Cesar. Ngunit tatamaan naman ng bagong pagsubok ang kanilang pagsasama – magiging bedridden si Cesar dahil sa emphysema, at kinailangan din niyang talikuran ang sining upang magtrabaho sa isang promotions company.
Paano nga ba ipinagsabay ni Cesar ang pagpapakadalubhasa sa pagpipinta at pakikipaglaban sa pag-ibig? Paano nalagpasan ng mag-asawa ang iba’t ibang pagsubok sa kanilang buhay?
Makakasama rin sa upcoming episode sina Patrick Sugui, Mary Joy Apostol, Ria Atayde, Krystal Mejes. Josef Elizalde, Nathaniel Britt, Jessica Marasigan, Dexie Daulat, Mica Javier, Jane De Leon, Aurora Sevilla, Andre Garcia, Carla Martinez, at Hannah Ledesma.
Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Jeturian at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda C. dela Cerna.
Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.