News Releases

English | Tagalog

“Pilipinas Got Talent,” umariba sa online world

April 13, 2018 AT 12 : 25 PM

"Pilipinas Got Talent" is the first ABS-CBN show to reach 1 million subscribers.

Hindi lang sa telebisyon namamayagpag ang “Pilipinas Got Talent” kung hindi maging sa online world ay umaarangkada din ang top-rating world-class talent search ng ABS-CBN.

Hinirang nga kamakailan ang programa bilang pinakaunang Kapamilya show na nakakuha ng Gold Creator Award mula sa YouTube matapos itong umabot at magkaroon ng 1 milyong subscribers sa kanilang official YouTube channel.

Trending din linggo linggo sa video sharing website ang iba’t ibang PGT performances simula pa noong audition round, patunay kung gaano ka in-demand at hinahanap hanap ng netizens ang mga kaganapan sa show.

Hindi rin papahuli ang PGT sa Twitter world dahil bawat episode ay tiyak trending topic ang official hashtag para sa gabing iyon at maging judges ay agaw eksena din sa top trends.

Lumalaki naman ang following nito sa Instagram dala na rin ng bonggang IG posts nito na talaga namang #feedgoals kung tawagin ng ilan.

Pilot week pa lang ng show ay agad ng pumalo ang episode nito sa all-time high national TV rating na 43.3%, isa sa pinakamataas na rating na natamo ng isang weekend program para sa taong ito.

Patuloy ang live semi-finals ng programa at ilang grand finalist slots na lang ang natitira. Ano anong acts ang sasama sa Nocturnal Dance Company, Orville Tonido, Kristel De Catalina, Xtreme Dancers, Bardilleranze, at DWC Aeon Flex sa huling laban para sa P2 milyon?

Para bumoto, i-text ang PGT NameOfContestant at ipadala sa 2366 para sa lahat ng networks.

Maari ring bumoto via Google. Maglog-in lang gamit ang inyong Google account at i-type ang PGT VOTE sa Google search bar. Pindutin ang larawan ng contestant na nais iboto at i-click ang submit.

Tandaan, one vote per Google account or SIM lang ang tatanggapin. 

Siguraduhing manood ng PGT at hintayin ang hudyat ng hosts para bumoto.

Huwag palalampasin ang “Pilipinas Got Talent” ngayong Sabado at Linggo, 7:30 PM sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpgt sa Instagram at Twitter o i-like ang www.facebook.com/pilipinasgottalent.PGT sa Facebook.