News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel, classroom requirement sa 60 paaralan sa Rizal

April 23, 2018 AT 11 : 37 AM

August Jamora, former public school teacher and Education Program Supervisor (EPS) in Learning Resource Materials and Development System for the DepEd Schools Division of Rizal Province, personally witnessed students learn better and faster when they had access to Knowledge Channel’s materials to supplement classroom teaching.

Libo-libong mag-aaral sa Rizal ang makakapanood na ng mga modernong curriculum-based materials ng Knowledge Channel matapos kilalanin ng public school official ang kakayanan ng multimedia tolls sa edukasyon.
 
Bilang isang Education Program Supervisor (EPS) in Learning Resource Materials and Development System ng Department of Education, saksi si August Jamora sa magandang epekto ng Knowledge Channel programs sa mga bata.
 
Ayon sa isang sasaliksik na inilabas ng De La Salle University Lasallian Institute for Development and Educational Research noong 2015, mas mabilis makaunawa ang mag-aaral ng aralin at abot sa 45% ang itinaas ng grado ng mga ito sa mga exam matapos turuan gamit ang multimedia tools.
 
“Hindi lang mga mag-aaral, mga guro, o mga magulang ang nakakakita ng magandang epekto ng pagpapanood ng programa ng Knowledge Channel,” sabi ni Rina Lopez-Bautista, presidente ng Knowledge Channel Foundation Inc. “Pati ang mga educator sa DepEd, kinikilala ang papel ng Knowledge Channel sa pagagamit ng multimedia sa pag-aaral,” dagdag niya.
 
Nagsimula si Jamora ng kampanya kasama ang Department of Education upang makapagbigay ng mga Knowledge Channel kits sa iba’t ibang paaralan sa Rizal.
 
“Importante na malapit sa teknolohiya ang mga mag-aaral ngayon,” sabi ni Jamora. “Nakita namin na magkahanay ang mga materials ng Knowledge Channel sa K to 12 Curriculum ng DepEd. Dahil dito, mahalaga na kasama ito sa pagtututo nila sa paaralan.”
 
Nag-fundraising sina Jamora at ang mga kasamahan niya sa DepEd at sa iba’t ibang paaralan para mabigyan ang mga estudyante ng access sa Knowledge Channel. Pinili nila ang ABS-CBN TVplus dahil sa digital terrestrial technology nito.
 
Dahil sa ABS-CBN TVplus, ang digital terrestrial TV technology ng ABS-CBN na may signal coverage sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, at Davao, napapanood ng mga Pilipino ang pinakamainit na balita, impormasyon, at entertainment na walang monthly at installation fee. Kasama ang Knowledge Channel sa mga channel offering ng TVplus.
 
“Ngayon, higit sa 4 million ang gumagamit ng TVplus hindi lang sa bahay kung hindi sa paaralan,” sabi ni Chinky Alcedo, head ng ABS-CBN Digital Terrestrial TV (DTT). “Hindi lang balita at entertainment ang hatid nito kundi edukasyon rin,” dagdag niya.
 
Balak ni Jamora na dalhin ang ABS-CBN TVplus at Knowledge Channel sa lahat ng paaralan sa Laguna at sa ibang probinsya.
 
Higit sa learning materials ng Knowledge Channel, makakatanggap rin ang mga guro at principal ng mga seminar tungkol sa pagagamit ng teknolohiya sa paaralan gamit ang LEEP, o LEEP or Learning Effectively through Enhanced and Evidence-based Pedagogies, isang teacher training program na ginawa ng dating DepEd secretary na si Dr. Fe Hidalgo base sa K to 12 curriculum.
 
Simula 1999, hatid ng Knowledge Channel Foundation, Inc. ang mga K-12 curriculum-based educational videos na makikita sa telebisyon sa pamamagitan ng Knowledge Channel at sa YouTube. Hatid ng non-profit organization ang mga professional teacher training para mahasa ang teaching skills at content knowledge ng mga guro, para matulungan ang mga batang Pilipino na mag-aral gamit ang teknolohiya.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE