One of today’s rising tandems –Kapamilya stars McCoy de Leon and Elisse Joson– officially launched the second book in their hit mangaserye “Vlogger Girl Problems” by ABS-CBN Publishing.
Bagong “He’s My Oppastar” ng MayWard, inilabas na
Opisyal nang inilunsad ng isa sa mga sumisikat na loveteams ngayon, — ang Kapamilya stars na sina McCoy de Leon at Elisse Joson—ang ikalawang libro sa kanilang matagumpay na mangaserye, ang “Vlogger Girl Problems” mula sa ABS-CBN Publishing.
Sa unang libro, isang beauty at lifestyle vlogger si Elaine (Elisse) na iniligtas ni Mr. Blue/ Marky sa isang holdapan. Sa kasunod na kwento, tila mabubuo ang espesyal na pagkakaibigan nina Marky at Elaine, ngunit mapipigilan ito dahil mukhang malaki ang takot ni Marky sa ama ni Elaine na si Mr. Z at sa business partners nito.
Tampok ang McLisse bilang karakter ng manga o cartoon sa mga librong nagbibigay ng twist sa tradisyunal na paraan ng pagkukwento. Ang manga ay isang istilo ng Japanese comics o nobela para sa iba’t ibang edad ng mambabasa.
May dobleng cover ang libro, at kabilang rin dito ang isa pang sikat na loveteam ngayon, sina Maymay Entrata at Edward Barber o MayWard sa “He’s My Oppastar.”
Bida naman sa kwentong ito si Macy (Maymay), isang fangirl ng KPop group na Miniluv. Ngayon, makakatanggap si Macy ng tickets para sa isang sikretong concert ng kanyang idolo. Handa na kaya siyang makilala ang kanyang oppa superstar na si Red (Edward)? Habang masaya siya sa pangyayari, nalulungkot naman siya sa pagkawala ng kanyang bagong kaibigan na si Eddie. Nasaan na nga kaya ito?
Mabibili na ang book 2 ng “Vlogger Girl Problems” ng McLisse at He’s My Oppastar” ng MayWard sa iba’t ibang branches ng National Bookstore o Powerbooks sa halagang P185. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.