Kapamilya moms Winnie Cordero, Jing Castañeda, and Amy Perez got emotional as ABS-CBN News shared an original “Mission Possible” feature about a blind mother and her daughter with Down Syndrome who, despite her own disability, served as the “eyes” to her mother.
Naging emosyonal ang Kapamilya moms na sina Winnie Cordero, Jing Castañeda, at Amy Perez nang mapanood ang “Mission Possible” episode na ibinahagi ng ABS-CBN News na tungkol sa isang bulag na ina at ng kanyang anak na kahit may Down Syndrome, ay nagsisilbing “mata“ nito araw-araw.
“Naiyak ako! It’s just amazing kung paano nagagabayan ng anak niyang bulinggit na may sariling pisikal na limitasyon ang bulag nitong ina,” sabi ng Umagang Kay Ganda (UKG) host na si Winnie “Tita Winnie” Cordero pagkapanood ng video.
Ang episode ay kasama sa isang buwang kampanya ng ABS-CBN para lalo pa nating mapahalagahan ang ating mga nanay. Tampok dito si Nanay Elsa at ang anak na si Sarah na magka-agapay sa araw-araw na pagpunta mula bahay hanggang eskwelahan.
Pinapatunayan lang nito ang paniniwala ni Tita Winnie na hindi perpekto ang mundo pero may mga pagkakataong ganito na magpapatibay sa tatag ng ating loob.
“Kailangan nating tanggapin ang mga limitasyon natin bilang ina at tanggapin na may mga bagay na di mo kayang controlin. Kailangan din natin mag-let go, magdasal at hingin ang basbas ng Panginoon for peace of mind and magawa ang mga dapat gawin sa kabila ng mga unos sa buhay,” she said.
Samantala, napagnilayan ng “Salamat Dok” host na si Jing Castañeda ang mga sariling karanasan bilang ina, at hindi rin nito napigilang maiyak. “Naiyak ako kasi bilang Nanay mas lalo ko napatunayan na marami tayong matututunan sa ating mga anak. Isa itong “partnership.” Isang paglalakbay kasama ang ating mga anak.
Mas makakatulong kung alam natin na kasama natin ang ating mga anak sa pagpapalaki sakanila, na sila mismo ay katuwang at hindi lang dapat napagsasabihan,” saad niya.
“Be informed. Be involved. Hanapin mo ang iyong passion. Mas malalaman mo kung paano talaga mabuhay. Makakatulong ka naman sa kahit anong paraan at responsibilidad mo na ipasa ang impormasyon,” pagpapatuloy ni Jing.
Mula rin sa UKG, lalo naman napagtanto ni Amy “Tyang Amy” Perez kung gaano pa rin pinagpala ang mag-ina sa kabila ng mga pinagdaraanan. “Lubos akong natutuwa. Makikita mo talaga ang misteryo at galing ng Panginoon. Nakakataba din ng puso na makita sila Nanay Elsa at Sarah na puno ng saya dahil magkasama sila, wala kang makikitang bakas ng lungkot o reklamo sa kanila. Napaka-importante ng “Appreciation.”
Hinihimok ni Tyang Amy ang kapwa mga ina na alamin ang balanse sa mga pang-araw-araw na bagay-bagay at tanggapin na mayroon talagang mga pagkakataon na hindi magiging maayosang buhay pamilya.
Importante din na matutong gawing kaagapay sa mga tungkuling pangbahay ang asawa dahil ang pagpapalaki ng mga anak ay isang “partnership.”
Sinimulan ng ABS-CBN News ang isang buwang pagdiriwang para sa mga ina sa pamamagitan ng #JustLoveYouNay video ng “Mission Possible” nitong Mayo 6. Unang umere ang kumpletong episode ng “Mission Possible” noong Marso 5.
Ang kwento nila Nanay Elsa at Sarah ay masusundan ng isa pangfeature sa Mayo 12, tungkol sa limang mag-iinang nagtitinda ng gulay sa Cavite na masayang tinatanggap ang mga pagsubok sa buhay ng nakangiti.
Sinusuportahan ng ABS-CBN ang kampanyang nagsusulong sa mga ina na may mga segment feature na ipapalabas sa mga programa ng ABS-CBN news at mas pinaigting na “digital awareness” para sa isang buwang pagdiriwang ng “Just Love You Nay,” at para maipakita na ang buwan ng Mayo ay buwan ng mga ina.
Hinihimok ng ABS-CBN ang lahat ng Kapamilya na ipakita ang pagmmahal sa ating mga nanay sa pamamagitan ng pagsasabi ng #JustLoveYouNay sa social media posts at mga mensahe upang maipakita sakanila kung gaano sila kaimportante sa ating mga buhay.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.