News Releases

English | Tagalog

Atletang taga-Marawi, ibabahagi ang kwento patungong palarong pambansa sa “Sports U.”

May 02, 2018 AT 02 : 26 PM

Atletang taga-Marawi, ibabahagi ang kwento patungong palarong pambansa sa “Sports U.”   Nagtagisan ng galing ang mga kabataang atleta sa Palarong Pambansa sa Vigan, kabilang ang isang tennis player mula sa Marawi, na si Prince Najeeb Langitao. Ngayong Huwebes (Mayo 3) sa “Sports U,” alamin kung paano niya inaabot ang pangarap sa kabila ng mga problemang hinaharap dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar. Babalikan din ni Dyan Castillejo si Jhonalyn Hernando, na dati nang tinampok sa programa at “Ayos Ka Kid” features ng ABS-CBN. Muling lumaban si Jhonalyn, na ipinanganak na walang mga kamay at paa, sa freestyle at backstroke swimming special events sa Palaro. Tunghayan din ang adbokasiya ng mga kasaling lungsod sa Metro Basketball Tournament at ang fitness routine ng aktor at modelo na si Gab Lagman. Abangan ang mga  kwentong ito at iba pa sa Huwebes (Mayo 3),‪ 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.com.pho skyondemand.com.ph at sundan ang @SportsUtv sa Facebook at Twitter para sa updates sa programa .Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.