Young Filipino singer-songwriter Miguel Antonio has released his first OPM single “The Only Thing” under Star Music.
Singapore-based na Pinoy teen singer, pinasok na ang OPM
Inilunsad na ng singer-songwriter na si Miguel Antonio ang kanyang unang OPM single, ang awiting “The Only Thing” sa ilalim ng Star Music.
Ito na nga ang opisyal na pagpasok ng 17-anyos na Singapore-based Filipino artist sa OPM scene, pagkatapos niyang gumawa ng pangalan sa larangan ng musika sa tanyag na Lion City.
Napili niya ang “The Only Thing,” ang awiting siya mismo ang sumulat, bilang una niyang OPM single dahil sa kwentong pag-ibig nito, partikular ang temang long distance relationship kung saan maraming pwedeng maka-relate.
Naunang sumikat si Miguel, na ipinanganak sa Davao City, noong nanalo siya sa “Born To Sing Asia” talent competition taong 2011 at napili ng world-class musician na si David Foster para magperform sa ‘David Foster & Friends’ concert sa Singapore. Nasundan ito ng pagpirma niya sa US-based BMBX Entertainment, na pinangungunahan ng Grammy award-winning producer na si Apl.de.ap ng Black Eyed Peas noong 2014.
Sa kasunod na taon, binisita naman niya ang Pilipinas upang i-promote ang kanyang awitin na “Every Day,” mag-shoot ng music video para sa kantang, “Breathe You In,” at magrekord ng kanyang awiting “Satellite” na isinulat naman ng song-writing team ng One Direction.
Bukod sa kanyang natatanging boses, tumutugtog din ng gitara at piano at nagsusulat din ng mga awitin ang bagong Star Music artist. Kaya rin niyang kumanta gamit ang English, Mandarin at Filipino languages.
Maaari nang ma-download ang “The Only Thing” single ni Miguel sa Spotify, iTunes, at Amazon. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.