News Releases

English | Tagalog

Digitally restored at remastered na “Batang PX” tampok sa “Sunday’s Best”

May 04, 2018 AT 06 : 36 PM

Matapos ang 20 taon, muling tunghayan ang kwento ng isang ina at isang anak na parehong hinahanap ang kanilang mga puwang sa mundo sa digitally restored at remastered classic movie na “Batang PX,” kung saan nakuha nakuha ni Zsa Zsa Padilla ang grand slam bilang best actress, ngayong Linggo (Mayo 6).

Tampok sa dramatic film na idinerehe ni Jose Javier Reyes ang storya ng single mother na si Tessie (Zsa Zsa) na mag-isang itinataguyod ang anak na si Amboy (Patrick Garcia). Sa kabila ng lubos na pagmamahal na ibinibigay niya, lubos pa rin nangungulila si Amboy sa kalinga ng isang ama.

Isa lamang ang “Batang PX” sa mga titulong ni-restore ng ABS-CBN Film Restoration Group. Taong 2011 nang simulan ng ABS-CBN ang pagre-restore ng classic films para mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Pilipino. Katuwang ang Central Digital Lab, ito ang pinakaunang restoration na ginawa mismo sa bansa.

Mahigit 120 titulo na ang nairestore ng ABS-CBN Film Restoration kung saan ilan sa mga ito ay naipalabas na sa international film fests, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD at na-download maging sa iTunes.

Huwag palalampasin ang “Batang PX sa “Sunday’s Best” ngayong Linggo (Mayo 6), pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD sa SkyCable ch 167.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.