News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars, nakisaya sa “Ayos Ka Kid: Happy with Tatay” Fair

June 21, 2018 AT 04 : 13 PM

Kapamilya stars join Father’s Day celebration…

Bumida ang mga nakabibilib na bata at mga mapagmahal na ama kasama ang ilang Kapamilya stars sa ginanap na “Ayos Ka Kid: Happy Day with Tatay” fair ng ABS-CBN News kamakailan lang.

Napuno ang Farmer’s Plaza Activity Center sa Cubao matapos mahigit 3,000 na Kapamilya ang nakisaya sa fair upang ipagdiwang ang “Father’s Day.” May libreng gupit para sa mga tatay, activity booths mula sa “Rated K” at “Matanglawin” para sa mga bata, photobooth, palaro, at papremyo.

Naroon din ang “Team YeY” hosts, ang “Boyfie ng Bayan” na si Marlo Mortel na nagpalaro ng “Knowledge on the Go,” at sina Sam Shoaf, Elmo Magalona, Kisses Delavin, Jerome Ponce, at Donny Pangilinan, habang nagsilbing hosts sina Winnie Cordero ng “Umagang Kay Ganda” at MOR 101.9’s DJ China Paps.

Nagbigay aliw din ang sikat sa internet ngayon na si “Tatay Tom,” na pinasok ang iba-ibang trabaho tulad ng pagpapayaso para suportahan ang pamilya.

Ani Ramil Villareal, isang kawani sa Marikina City, masaya siyang makasama ang anak sa event matapos ang isang linggong pagta-trabaho.

“Ang importante dito ‘yung bonding, games. Mga palaro na tinutulak mo ‘yung anak mo na go, kaya mo ‘yan. Siyempre additional na rin ‘yung entertainment na nakikita mo rito,” kwento niya.

Ang kapwa ama niya na si Jeffrey Salmo, na trabahador sa Farmer’s Market, tuwang-tuwa rin sa naging selebrasyon nila ng mga anak.

“Masaya kasi nakasali yung isang anak ko sa ‘Knowledge on the Go,’ tapos ‘yung isa naman nanalo sa raffle,” he said.

Kampanya ng ABS-CBN News ang “Ayos Ka Kid” upang palaganapin ang kahalagahan ng pagmamahal sa pamilya, sakripisyo, respeto, pagiging matulungin, at pagkakaroon ng prinsipyo sa mga bata sa pamamagitan ng mga event at online videos tampok ang ilang nakaka-inspire na kabataan. Sa “Ayos Ka Kid: Happy Day with Tatay” fair, nabigyan ng pagkakataon ang mga ama at kanilang mga anak na mag-bonding at maipakita na sila ay “happy sa love ni tatay” na wagas ng pagmamahal sa pamilya.

 Dumalo rin sa araw na iyon para magbahagi ng kanilang kwento kasama ang “Rated K” host na si Korina Sanchez-Roxas ang mga “Ayos Ka Kids” na sina Julian Sica na may adbokasiya para sa mga hayop at si Andrei Ingco, na nakilala bilang “Kalye Irving” sa galing niya maglaro ng basketball.

Panoorin ang iba pang kwento ng mga r #AyosKaKid sa mga programa ng ABS-CBN current affairs programs. Mapapanood ang unang apat na kwento sa opisyal na Facebook pages ng “Sports U,” “Matanglawin,” “Rated K,” at ABS-CBN News. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram.