News Releases

English | Tagalog

NCAA MVP CJ Perez, ibabahagi ang sikreto ng galing sa “Sports U”

July 10, 2018 AT 02 : 16 PM

With the recent opening of the 94th season of the National Collegiate Athletic Association, reigning Most Valuable Player CJ Perez of the Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates gets another chance to showcase his talents and contend for the championship.

Sa pagbubukas ng NCAA Season 94, mapapanood na muli ang galing ng Most Valuable Player na si CJ Perez ng Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates.

Ngayong Huwebes (Hulyo 12) sa “Sports U,” ibabahagi ng tinaguriang “Baby Beast” ang kanyang naging motibasyon para magpursige sa basketball.

Pinalaki ng lolo’t lola sa Pangasinan, hindi na nakilala ni CJ ang kanyang ama, samantalang ang nanay niya ay nangibang bansa para magtrabaho. Sa kolehiyo, madali siyang nakilala dahil sa kanyang liksi at lakas sa court, at hinalintulad pa siya sa basketball superstar na si Calvin “The Beast” Abueva.

Matapos magpalipat-lipat ng eskwela, mula San Sebastion College-Recoletos patungong Ateneo, nakahanap na rin ng tahanan si CJ sa LPU kasama ng dati niyang coach sa San Sebastian na si Topex Robinson.

Bigo man silang maging kampeon noong 2017 matapos silang matalo sa San Beda Red Lions sa NCAA Finals, handa siyang ibigay ang kanyang lahat para maiuuwi nila ang titulo ngayong taon.

Panoorin ang istorya ni CJ Perez at iba pang kwentong panalo sa “Sports U” ngayong Huwebes (Mayo 24) ng 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.comph o skyondemand.com.ph. Sundan ang ang @SportsUtv sa Facebook at Twitter para sa updates sa programa. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE