News Releases

English | Tagalog

“Ang Dalawang Mrs. Reye,” mapapanood na sa Cinema One

July 20, 2018 AT 06 : 45 PM

This year’s first blockbuster film “Ang Dalawang Mrs. Reyes” -starring two of Philippine cinema’s most talented actresses Angelica Panganiban and Judy Ann Santos- is all set to bring amusement for the whole family as it airs for the first time on Cinema One this Sunday (July 22).

Angelica at Judy Ann, dobleng saya ang handog ngayong Linggo

Magdadala ng dobleng katatawanan ang unang blockbuster film ng taon, ang pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” kasama ang dalawa sa pinakamagagaling na aktres sa bansa -sina Angelica Panganiban at Judy Ann Santos- sa unang pagpapalabas nito sa Cinema One ngayong Linggo (Hulyo 22).

May parehong layunin ang mga bidang sina Judy Ann (Lianne) at Angelica (Cindy) -ang manatiling kasal sa kanilang mga asawa. Madidiskubre nila na magkarelasyon pala ang mga ito at magsasanib-pwersa ang dalawang misis upang mapigilan ang kanilang asawang magsaya.

Si JC de Vera (Felix) ang gumaganap na asawa ni Cindy habang si Joross Gamboa (Gary) naman ang asawa ni Lianne. Haharapin ng mga mag-asawa ang nakakatawang paglalakbay na may handog ding kwento ng pag-ibig at pagpapatawad.

Kabilang sa masayang cast ng “Ang Dalawang Mrs. Reyes” sina Gladys Reyes, Carmi Martin, at Andrea Brillantes. Ito ay mula sa direksyon ni Jun Robles Lana sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema.

Makisaya sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes” ngayong Linggo (Hulyo 22) sa bagong oras ng Blockbuster Sunday ng Cinema One, 7 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE