Filipinos will be able to catch President Rodrigo Duterte’s State of the Nation Address (SONA), along with news, analysis, and features related to the president’s report, on the medium of their choice as ABS-CBN News launches a multiplatform SONA 2018 special coverage on ABS-CBN, ANC, DZMM, and news.abs-cbn.com on Monday (July 23).
Mapapanood ng sambayanang Pilipino ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte – at mga balita at diskusyon kaugnay nito – sa espesyal na SONA 2018 coverage ng ABS-CBN News sa ABS-CBN, ANC, DZMM, at news.abs-cbn.com sa darating na Lunes (Hulyo 23).
Magsisimula ang SONA special sa ABS-CBN ng 3:30 pm kasama si Karen Davila sa studio, habang live na magbabalita mula sa Batasan Pambansa si Willard Cheng. Bukod sa pag-ere ng buong SONA, itatampok din dito ang mga balita at reaksyon bago at pagkatapos ng talumpati ni Pangulong Duterte.
Sa ABS-CBN News Channel, bukod sa live report simula umaga, ipapalabas din ang eksklusibong panayam ni Tina Monzon-Palma kay House Speaker Pantaleon Alvarez ng 1 pm sa kanyang “Independence” series. Bandang 3 pm sisipa ang SONA coverage kasama sina Lynda Jumilla, Lexi Schulze, Christian Esguerra, at Karmina Constantino.
Maaga ring magbabalita ukol sa SONA ang Radyo Patrol reporters ng DZMM 630 at DZMM TeleRadyo na may espesyal na edisyon ng “Headline Pilipinas” kasama sina Julius Babao at Toni Aquino ng 12 nn. Kasunod nito ang “SONA Primer” nina Ricky Rosales and Johnson Manabat ng 1 pm, habang sina Vic Lima at Gerry Baja naman ang tatao bandang 3 pm at 5 pm. Makakasama rin nila sina Dr. Jean Franco, Prof. Ranjit Rye, at Ding Generoso ng Constitutional Committee na umaaral sa 1987 Constitution upang bigyang linaw ang mga isyu kaugnay ng SONA.
Maaari ring panoorin ang SONA at mga balita mula sa loob at labas ng Batasan Pambansa sa news.abs-cbn.com sa pamamagitan ng livestreaming. Pwede ring sundan ng mga Pilipino ang opisyal na Facebook at Twitter pages ng ABS-CBN News, ANC, at DZMM TeleRadyo para sa updates at livestreaming ng aktwal na SONA.
Bilang pinakamalaking news organization sa bansa, patuloy na nangunguna ang ABS-CBN News sa paghahatid ng balita at impormasyon sa mga Pilipino lalo na sa malalaking kaganapan tulad ng SONA. Maliban sa paghahatid ng mensahe ng Pangulo, layunin din ng ABS-CBN News na ipaliwanag sa madla ang mga isyu sa tulong ng mga beterano nitong anchor, mamamahayag, at mga bisitang eksperto.
Tutukan ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN, ANC, DZMM, at news.abs-cbn.com. Maaari ring manood sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph. Sundan ang @ABSCBNNews, @ANCalerts, at @DZMMTeleRadyo sa Facebook at Twitter at gamitin ang hashtag na #SONA2018. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa abscbnpr.com.