Veteran broadcast journalists Anthony Taberna and Jorge Cariño are your new weekend buddies as they head to the streets to listen to the stories and concerns of regular people on the new ABS-CBN Current Affairs program “Pareng Partners,” every Saturday afternoon at 5:15 pm starting July 28.
Kim, Ethel, at Xander, magsasalita ukol sa online bashing
Makisali sa kwentuhan nina Anthony Taberna at Jorge Cariño at pakinggan ang mga kwento, opinyon, at pinagkakaabalahan ng mga karaniwang Pilipino sa bagong ABS-CBN current affairs program na “Pareng Partners,” na mapapanood na tuwing Sabado ng 5:15 pm simula Hulyo 28.
Mula sa paghahatid sa malalaking balita bilang “Umagang Kay Ganda” anchors at dating Radyo Patrol reporters sa DZMM 630, ibibida naman ngayon nina Anthony at Jorge ang mga saloobin at pananaw ng ordinaryong tao.
Ngayong Sabado (July 28), ba-biyahe si Pareng Anthony at Pareng Jorge sa Mandaluyong at Nueva Ecija para makipagkwentuhan sa mga pamilya doon. Sa Mandaluyong, pag-uusapan nila kasama ng mga taga-Barangay Addition Hills ang pagkakaroon ng malaki o maliit na pamilya. Sa Nueva Ecija naman, tatalakayain nila ang pagkakaiba ng buhay probinsya sa buhay sa lungsod.
Makakasama rin ng “Pareng Partners” sina Kim Chiu, Ethel Booba, at Xander Ford, na magbubuhos ng damdamin at mga natutunan sa kanilang naranasang pamba-bash online, kung saan nakatanggap sila ng sandamakmak na negatibong komento.
Ayon kay Jorge, na nagsimula bilang “Radyo Patrol 27” sa radyo bago sumabak sa TV bilang reporter sa ANC at ABS-CBN, masaya siyang makalabas muli ng studio para maibida naman ang mga karaniwang tao at mapakinggan ng manonood ang kanilang mga pananaw at karanasan.
“Sa karanasan ko bilang reporter, nakikita ko na karamihan sa mga pinakamatalino, mapagmahal, at magiting na tao ang mga nakikilala mo araw araw,” sabi ni Jorge. “Doon ko nakita na maraming bayani na madalas hindi natin nakikilala.”
Sabi naman ni Anthony, na sinundan si Jorge sa DZMM bilang “Radyo Patrol 28” at nakilala sa kanyang matapang na komentaryo sa radyo at TV, mahihikayat na magkwento ang mga tao dahil sa simple at kaswal na daloy ng diskusyon.
“Dito parang naghuhuntangan lang tayo, parang kumakain lang tayo tapos nagbibidahan, nagkukuwento ng buhay-buhay,” aniya.
Sumali sa kwentuhan nina Pareng Tunying at Pareng Jorge sa “Pareng Partners” tuwing Sabado, 5:15 pm bago mag “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Panoorin online via livestreaming o on-demand sa www.iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph. Sundan ang “Pareng Partners” sa Facebook at Twitter (@ParengPartners). Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.