News Releases

English | Tagalog

San Beda at Perpetual, bubuksan ang NCAA Season 94 sa ABS-CBN S+A

July 03, 2018 AT 06 : 40 PM

San Beda University (SEU) will try to extend its dynastic reign for another year as it clashes with host school University of Perpetual Help System-DALTA on Saturday (July 7) when the 94th NCAA senior basketball tournament unfurls at the Mall of Asia Arena in Pasay City.

Balak pahabain ng San Beda University (SBU) ang kanilang paghahari sa NCAA men’s senior basketball division sa pagbubukas nila sa ika-94 na season ng liga katapat ang host school na University of Perpetual Help System-DALTA ngayong Sabado (Hulyo 7) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nananatiling paborito ang Red Lions sa pagbabalik nina Robert Bolick, Javee Mocon, at Finals MVP Donald Tankoua ng Cameroon, habang na-recruit naman ang mahusay na guard tulad ni Evan Nelle ng San Beda-Taytay high school. Wala na sa lineup ngayong taon sina Davon Potts at Arnaud Noah ng Cameroon na papalitan ng mas matangkad na import mula Nigeria na si Toba Eugene.

Haharapin ng San Beda ni coach Boyet Fernandez sa 2 pm ang Perpetual Help na kinuhang coach si Frankie Lim, na siya namang gumabay noon sa Red Lions sa apat na korona mahigit isang dekada na ang nakakalipas. Samantala, kakalabanin  naman ng runner-up sa nakaraang taon na Lyceum of the Philippines University, sa pangunguna ni NCAA 93 MVP CJ Perez, ang San Sebastian College-Recoletos ni Michael Calisaan sa 4 pm.

Mapapanood ang lahat ng laro ng LIVE sa ABS-CBN S+A at S+A HD, pati na livestreaming sa sports.abs-cbn.com. Makakasama ng sambayanan sa pagtutok sa aksyon ang broadcast panel na binubuo nina Andrei Felix, Anton Roxas, Martin Antonio, Martin Javier, Migs Bustos, at ang isang alamat sa collegiate basketball na si L.A. Tenorio. Sa unang pagkakataon, makakasama rin ngayong season ang barkada ng “Upfront” na sina Janeena Chan, Angelique Manto, Turs Daza, Martin Javier, Ricci Rivero, at Alyssa Valdez upang kilalanin pa ng husto ang mga atleta sa NCAA.

Inanunsyo rin ni NCAA president Anthony Tamayo ng Perpetual Help ang pagdaan ng “NCAA on Tour” ngayong Hulyo 12 sa Jose Rizal Gym, sa Hulyo 19 sa Arellano U Gym, Hulyo 26 sa Emilio Aguinaldo Gym, Agosto 2 sa Letran-Calamba Gym, at Agosto 9 sa Perpetual Help Gym. Mananatiling league commissioner naman si Arturo “Bai” Cristobal na makakatulong ang referees sa Maharlika Pilipinas Basketball League sa pagbabantay sa mga laro.

“NCAA Season 94: UnParalleled Heights in Sports Development” ang tema ngayong taon ng liga ayon kay NCAA Management Committee chairman Frank Gusi also of Perpetual Help.

Huwag palampasin ang matinding aksyon sa NCAA Season 94 ng LIVE ngayong Sabado (Hulyo 7) at Linggo (Hulyo 8), at tuwing Martes, Miyerkules, at Biyernes para sa mga susunod na laro, simula 2 pm sa ABS-CBN S+A at S+A HD, at sa livestreaming ng sports.abs-cbn.com. Sumali din sa usapan sa social media gamit ang mga hashtag na #NCAASeason94 at #GalingNCAA.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).